Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
filipino fishermen west philippine sea WPS

Sa pagdiriwang ng Chinese new year  
China dapat kilalanin karapatan ng PH sa WPS, pati Maritime Zone Law

KAUGNAY ng pagdiriwang ng Chinese New Year ay nanawagan si Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino sa gobyerno ng China na kilalanin nito ang karapatan ng Filipinas sa West Philippine Sea  (WPS) gayondin ang pagkilala sa Maritime Zone Law.

Aminado si Tolentino na bagamat may galit ang China sa kanya lalo na sa pagsusulong ng naturang batas, walang magagawa ang nasabing pamahalaan kundi irespeto ang kaparatan ng bansang Filipinas ukol sa WPS.

Kung mangyayari ito, ani Tolentino ay tiyak na mahihinto na ang tensiyon sa pagitan ng tropang Pinoy at tropang Tsino sa naturang lugar.

Naniniwala si Tolentino na tanging ang pamahalaang China lamang ang reresolba sa isyu at hindi ang iba pang mga nanghihimasok upang mapaunlad ang maayos na relasyon ng Filipinas at China kung mangyayari ito.

Samantala nagtungo si Tolentino sa Quezon City upang magbigay ng ayuda sa mga mamamayan doon partikular para sa mga senior citizens.

Umabot sa 600 residente ng QC ang napagkalooban ni Tolentino ng tulong pinansiyal na tig-2,000.

Kasabay nito, nagkaloob din siya ng serbisyong legal sa mga mamamayan na mayroong tanong ukol sa batas partikular sa mga mayroong kaso o nais na idulog gayondin ang libreng notaryo. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …