Mabuhay ka… Intramuros, Manila Bgy. 658 Chairman Richie Gonzales. Ito ang tunay at totoong public servant, hindi negosyo ang turing sa gobierno. Anong say mo ex-bgy chairman Carato este Caranto?
By the way, tama bang lahat ang binabayaran mong buwis sa BIR? Naideklara mo bang lahat sa SALN mo ang iyong hindi maipaliwanag na mga ari-arian at mga kayamanan ex-bgy chairman? Na ngayo’y kagawad naman. At tatakbong muli sa pagka-barangay chairman na naman! Ng Bgy 658, Intramuros. Diyos ko po! @#$%^&*()!
Mantakin po ninyo bayan, sa loob ng ilang termino na panunungkulan ni Jose Caranto bilang Bgy 658 chairman, hindi niya nagawan ng paraan na maipa-semento o maipa-aspalto man lamang ang kahabaan ng Solana St. At mga kanugnog na kalye nito, na kanyang nasasakupan.
Naging moderno ang buhay ni Caranto, hindi ang Bgy 658 ang naging moderno. Moderno sa squatter at mga krimen, oo.
First time sa history ng Intramuros, sementado na po ang kahabaan ng Solana St., pati na ang mga ilang kalsada rito sa Bgy 658, it’s because of the political will of first termer Bgy 658 Chairman Richie Gonzales, nephew of former Manila councilor Gonzalo Gonzales, brother of the father of chairman Richie Gonzales, Mr. Peping Gonzales.
Ilang inutil na mga Intramuros administrator na ang nagpalit-palitan sa Intramuros, Manila pawang mga walang nagawa para maibalik ang historical image na dati’y magandang imahe ng Intramuros., ang pinagkulungan ng ating baya-ning si Gat. Dr. Jose rizal.
Sana sa bagong pamumuno ng kauupong IA Marco Sardillo, maging maganda, malinis at libre sa krimen ang kabuuan ng Intramuros, Manila.
Kaso lang IA Sardillo, may isang condemned building na sa Solana St., na ini-renovate nga-yon, ito ba’y alam mo? O pinayagan mo? Sa kabila na ang Medis Bldg., na ito kundi namamali ang KS, ayon sa dokumento ay ilang dekada nang nakatayo. Ang Medis Bldg., na pag-aari ng pa-milyang medalla.
Ang building pong ito’y pinamumugaran nga-yon ng mga durugista atbp kriminal na pugante sa batas, ayon po sa mga impormante ni Afuang. Aprubado po ba ng Manila City Engineering Dep’t ang renovation nito? Anong say mo Bgy. kagawad Jack Lopez? Pwe!
Paging Ms. Ombudsman! Ms. BIR Commissioner! Ms.COA Chairman! Atbp corrupt este other agencies, pakibusisi lang po ang mga kayama-nan ni ex-bgy 658 chairman Jose V. Caranto. Justice delayed, justice denied. No one is above the law. Except ex-bgy chairman Jose V. Caranto?@#$%^&*()!Yan.
•••
mayor jaime fresnedi,
ito na ba
Ang kalakaran sa Ospital ng Muntinlupa?
Sobrang sky-high kung maningil. Pag-aari po ba ito ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa? E paano na po Mayor Fresnedi, kung isang kapos-palad na walang-wala o salat sa pana-nalapi na mga residente ng Muntinlupa City ang mangailangan ng serbisyo medical? Lalo na’t mga senior citizens na katulad namin. Hindi bale si Tomas na daddy ni San Pedro na milyonaryo na ngayon. @#$%^&*()! Pwe!
Okey, mabubuhay ka nga sa OsMun, subalit paglabas naman ng hospital bills na babayaran Mayor Fresnedi, sa Ospital ng Muntinlupa, magkakasakit ka muli, dahilan sa sobrang laki o mahal ng babayaran mo sa OsMun, na naturi-ngan pang pag-aari ng pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa. Diyos ko po, Mayor!
Last Sept. 27, 2013, before midnite, itinakbo sa OsMun ng anak ni Mayor Afuang na si Lake ang apo n’yang si JR, 21 years old, dahilan sa sakit na dengue. Kasunod kaagad na dumating sa OsMun ang inyong lingkod, lolo ni jr na si Mayor Afuang.
To cut the long story short, wala raw kwarto na available noong mga oras na ‘yon, pati ER loaded. Sa payo ng isang pren ni Afuang na guard, sinamahan niya kami kay Col. Quismulin. Very accomodating naman ang nasabing colonel. Pati na ang tao niyang si Pop. Salamat po.
In spite of the helps, we waited for several hours at nagbabakasaling may mabakanteng kwarto. May lumapit sa anak ni Mayor Afuang na si Lake, na brusko ang dating at sinabi sa kanya na may private room palagi na bakante ang OsMun. The price is P1,300 per day, at P800/visit ng doktor.
Kumagat na po kami bayan, mabuhay lamang po ang aking apo na si jr na ng mga oras na ‘yon ay nakahiga na sa upuan ng waiting patients sa loob ng OsMun.
Ayon pa sa gwardia, mga doktor ng kata-bing Asian Hospital ang kadalasang nagra-round sa OsMun kaya mahal kuno ang singil per round. “Paging BIR commissioner” nagbabayad ba ng tamang buwis sa BIR ang mga buwakang inang mga doktor na ‘yan. Diyos ko po Mayor, akala ko ba, wala na si San Pedro, manok na lang niya ang hinihimas. Kawawa ang mga pobreng taga- Muntinlupa.
Ayon pa sa ilang mga guardia ng OsMun kapag nagparking pa ang mga quack doktor este, doctor ng Asian Hospital, galit pa ang mga hindot kapag hindi sila pinayagan agad mag-park security guard ng Osmun. Ganoong para sa mga OsMun doctors and officials lamang ang nasa-bing parking lot.
Madali’t salita, kgg. Mayor Jaime Fresnedi, ang akin pong binayaran sa loob po lamang ng one and half days na hospital bills, P5,867.25- dr’s fee P800-one round only. Natalo pa si Pacquiao sa per round.@#$%*()!
Para sa kaalaman po ninyo bayan ,matagal na rin pong residente si Afuang sa bayan ng Muntinlupa, na ngayo’y isa nang lungsod. Since 1992, ang inyong lingkod po, ang kauna-una-hang nakatira at may tatlong bahay sa Kataru-ngan Village Phase 2 Muntinlupa City. Perimeter po ito ng Ayala Alabang Village.
Sana po Mayor Jaime Fresnedi, sa inyong pagiging alkalde muli ng Muntinlupa City ,sana po, inyo naman mabigyan ng solusyon o kalutasan ang inaabot na masamang bangungot ng mga pasyente ng Ospital ng Muntinlupa. Pati na ang mga darating pang mga kapos palad, na nangangailangan ng serbisyo medical sa OsMun ay lubusan matulungan dahil sa kahirapan.
Sapagkat masakit pakinggan ang salitang “Sa Muntinlupa City, bawal ang magkasakit.” Amen.
Mabuhay po kayo mayor! More power. Godspeed.
Abner Afuang