Thursday , January 16 2025
Zaldy Co

Pagkasibak ni Rep. Zaldy Co bilang chairman ng House appropriations panel ikinatuwa ng netizens

MAYNILA – Tila ipinagbunyi ng mga netizen  ang pagkakatanggal ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co bilang chairman ng House Committee on Appropriations.

Ito’y matapos ipanukala ni Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos na gawing bakante ang puwesto ng appropriations committee chair, na inaprobahan din ni House Speaker Martin Romualdez.

Opisyal na tinanggalan si Co ng kanyang titulo bilang tagapangulo ng komite sa muling pagbubukas ng sesyon ng Kongreso nitong Lunes, 13 Enero 2025.

Nagpahayag si Co noong Lunes at sinabing kusa niyang binakante ang kanyang posisyon para tutukan ang kalusugan, na tingin ng ilang netizens ay paraan lamang ng mambabatas upang isalba ang sarili sa kahihiyan matapos patalsikin sa puwesto.

Unang naging mainit sa paningin ng ilang personalidad si Co sa gitna ng taong 2024 dahil umano sa mga kuwestiyonableng pinaglaanan ng pondo para sa 2025 budget.

“Drama lang ‘yang nag-resign, maggamit na naman sila ng iba para makaiwas sa batikos,” sabi ng isang netizen sa Facebook.

“…bakit nagresign sa komite lang, kung talagang kalusugan niya ang dahilan dapat sa pagka-kongresman siya nag-resign, nag-resign nga ba o tinanggal, dpat nag-resign o baba na din sa pagka- speaker ‘yang  si tambaloslos,” dagdag ng isang netizen.

Itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may kinalaman ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatalsik kay Co sa puwesto.

Sa mga unang buwan ng 2024, nagkasagutan din si Co at si Senator Joel Villanueva, kung kailan ipinaalala ng senador ang umano’y kuwestiyonableng track record ng congressman dahil sa pagkakadawit nito sa Pharmally scandal.

About hataw tabloid

Check Also

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …

Apo sa pamangkin minolestiya lalaki kinulata bago arestohin

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 43-anyos na lalaki dahil sa alegasyong panggagahasa sa 4-anyos …

389-metrong drainage system sa Panasahan, Malolos City inaasahang tugon vs baha

389-metrong drainage system sa Panasahan, Malolos City inaasahang tugon vs baha

BILANG pagtupad sa kanilang pangakong pagpapabuti ng mga impraestruktura at disaster resilience, pinasinayaan ng Pamahalaang …