HARD TALK
ni Pilar Mateo
BASTA sumapit na ang Araw ng mga Puso, naghahanda na rin ang mga tao kung kaninong konsiyerto ang kanilang panonoorin. Para dalhin ang mga mahal sa buhay. Lalo na ang may kaugnayan sa puso.
Madalas kundi man lagi, hindi nawawala sa inaasahan ang pagko-concert ng King and Queen na sina Martin Nievera at Pops Fernandez.
Over the years, sa kabila ng mga naging kaganapan sa mga buhay nila, sila na rin ang naglarawan na there is something weird about them.
Nasa estado na kasi sila na sa kabila ng mga nangyari na sa buhay nila, napapanatili nila na maging magkaibigan. Idagdag na riyan ang pagkakaroon nila ng Robin at Ram. At ngayon nga, may dagdag pang Finn!
Sa entablado na nga rin magkakaroon ng katuparan ang mga katagang Always and Forever na titulo ng darating nilang concert sa Mall of Asia Arena sa Ika-7 ng Pebrero.
Tinanong ko ang dating mag-asawa kung sa rami ng mga konsiyertong pinagsamahan nila eh, alin ang hindi nila malilimutan dahil may negatibong aspeto ito?
Nangyari raw ito sa isang concert nila sa Barcelona, Spain. Magka-away sila. Hindi nag-uusap. Pero gaya ng lahat nilang pagsasama sa entablado kapag sumampa na, nawawala na ang lahat ng anumang dalahin at awtomatikong nagsu-switch na sila bilang Martin and Pops sa paghahatid ng saya sa mga manonood.
May iba pa ring hatid kahit pa sa Solaire eh nagsunod-sunod sila ng shows in 2020.
At matapos nga ang may halos sampung taong selebrasyon ng kanilang paglalakbay as the concert king and queen, heto na uli sila.
“Hindi ito to excerpts of our other shows, this is a brand new show. Although you will hear a lot of familiar songs during our era, we are studying a lot of other new tunes. I’ve been studying myself in my room really trying to concentrate and learning all the new songs for this,” pagbabahagi ni Pops.
Ipararamdam nila muli ang 80s era with the repertoire they prepared with their musical director and arranger Homer Flores.
Ini-revive nila ang kantang The Promise na may napakagandang haplos ni sir Homer.
Isa sa pinagkakasunduan ngayon nina Pops at Martin ay ang pagdating ng kanilang apong si Finn na sa Amerika nananahan. Nakapagbakasyon sila sa piling nito.
“It was a good break. We were with our kids and Finn, our first grandson. I got to rest a lot. I was also able to spend a lot of time with Ram. We definitely able to take a break and are ready now to have this concert,” dagdag ni Pops.
“We were in Chicago to spend our grandson’s first birthday, we went to Vegas with all my sons. We saw all our children, no one was excluded,” sabi naman ni Martin.
Kaabang-abang lagi ang pagsasama ng dalawa onstage. Dahil nakakasali ang kuwento ng kanilang lovestory.
Sabi nga ni Martin, ang 80’s ang best time para sa kanya. At kahit nga ang playlist niya ay mga kanta from that era ang kasama.
Samantala, kung may gusto pa silang makasama sa mga susunod nilang concert nais ni Pops na magsama-sama silang muli ng mga Diva. At si Martin, si Gary Valenciano pa rin plus the newbies.in the industry.
V-Day!
“If we are not performing together, she is a guest in my concert and I am always a guest in her concert. We’re always working, ‘di ba? We’re a team. We’ve always been in each other’s shows.”
Always and forever. The concert King and Queen!