Wednesday , January 15 2025
Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng saya sa inyong lahat,” ito ang iginiit ni Chavit Singson sa paglulunsad ng Vbank, Bangko ng masa noong Linggo sa MOA Arena. 

Kasabay ng Vbank VLive Nationwide Caravan event sa MOA, ang anunsiyo ng 83-taong gulang na politiko na hindi na niya itutuloy ang pagtakbo bilang senador dahil sa kanyang kalusugan na kinakailangan ng pahingan.

“Matapos ang mahabang pag-iisip, ang desisyon ko po, hindi na po ako tutuloy sa aking kandidatura sa Senado,” ani Chavit.

“Hindi po biro ang kampanya, lalo na ang trabaho ng isang senador, kung talagang magtatrabaho. Ayaw kong ipilit. Ang aking kalusugan ay maaring magdusa,” giit pa nito at sinabing nai-confine siya sa ospital dahil sa pneumonia. At pagkatapos ng naturang event babalik muli siya ng ospital.

Pinayuhan kasi si Chavit ng kanyang doktor ng mahabang panahon na pahinga. 

“Kaya minabuti kong unahin ko muna ang aking pagpapalakas, upang mas lalo pa akong makatulong at makapaglingkod sa inyong lahat,” bahagi pa ng speech pa ni Mr. Chavit.

“Ramdam ko po ang inyong pagmamahal sa akin at inyong patuloy na paniniwala sa akin, ang overwhelming na suporta. Alam ko sa puso ko, panalo na ako,” sabi pa.

Totoo namang pwedeng makatulong si Chavit kahit hindi siya senador. Katunayan, ilan sa kanyang proyekto ay ang Jeepney Modernization Program. Sa programang ito, maaaring makakuha ang mga tsuper ng e-jeepney na walang collateral, walang down payment, at walang interest.

Nariyan din ang VBank, na produkto ng Vigan Banco Rural Incorporada (VBRI) sa loob ng apat na dekada. Ang bankong ito ay pinamamahalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa ilalim ng digital transformation at mayroong karampatang lisensiya para makapagbigay ng mobile banking at iba pang electronic banking services.

“Sa pamamagitan ng Vbank, mas madali kong maipaaabot ang aking pagtulong sa masang Filipino. Ako’y umaasa na tatangkilikin ng bawat Filipino ang Vbank para matanggap nila ang aking pagtulong na nawa’y magiging panimula tungo sa kaginhawahan ng kanilang buhay,” sambit pa ni Chavit.

Brainchild ni Chavit ang Vbank, na naglalayong mapadali at ligtas sa mga Filipino ang paglalagay ng pera sa banko. Sa pamamagitan ng Vbank app, madali na ang makapag-banko, saan man o anumang oras ng walang abala, walang mahabang pila mula sa pagbubukas nito online hangang sa paglilipat ng pera, pagbabayad ng mga bill, at pagbili ng mga prepaid credits.

Simula nang ilunsad ito noong December 15, 2024, nakapagtala na ang Vbank ng 133,000 downloads mula sa mobile application at 105,000 new accounts, lalo ang uncarded, unbanked, at underserved.

Nakiisa sa Vbank VLive Nationwide Caravan noong Linggo na nagbigay entertainment sa nagtungo sa MOA sina KZ Tandingan, Bamboo, Gloc 9, Ez Mil, Eric Nicolas, Calista, at Ai Ai delas Alas (brand ambassador ng Vbank).

About hataw tabloid

Check Also

Nathan Studios Buffalo Kids

Buffalo Kids pampamilya, hatid ng Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla PAGKATAPOS ng matagumpay na pagpapalabas ng Nathan Studios entry sa 50th Metro …

Jillian Ward

Jillian Ward pinaghirapan kung anong mayroon siya ngayon

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng Kapuso Princes na si Jillian Ward sa 24 Oras na …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Julia Montes Richard Somes Topakk

Arjo emosyonal habang nagpapasalamat sa ‘pamilyang’ nabuo sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales GIVEN na naman yata na kapag Metro Manila Film Festival, hindi …

FPJ Panday Bayani

Edukasyon sa lahat, mataas na sahod sa mga guro tungo sa AmBisyon 2040 – Brian Poe

IMINUNGKAHI ng unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan party list na si Brian Poe Llamanzares …

APCU 1

PH-China Understanding, Inc. inducts new officers, members

The Association for Philippines-China Understanding Inc. (APCU) has inducted its new officers and members/associates recently. …