Saturday , January 4 2025

Sa Pasig City
E-JEEP LAUNCH PINANGUNAHAN NI MANONG CHAVIT

123024 Hataw Frontpage

HATAW News Team

ITINUTURING na naging “beacon of innovation” ang Pasig City nang magsama ang mga Pinoy at South Korean leaders sa pagpapasinaya ng e-Mobility Proof of Concepts habang ibinida rito ang mga e-jeepneys na magiging daan para magkaroon ng modernong public transportation.

Ito ay inorganisa ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson na siya ring LCSC Group chairperson at Ako Ilocano Ako Partylist Representative Richelle Singson.

Kasama sa pagpapasinaya ang e-mobility trailblazers na sina Young-Jin Joo, CEO ng E-Mon Co. Korea; Jong Gwan Rah, Director ng Korea Automotive Technology Institute (KATECH); Ahn Jae-Bum, Director ng E-Mon Korea; at LCSC E-Mon Operations Manager Jinhee Kim.

Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Manong Chavit ang kanyang adhikain na gawing moderno ang public transportation system sa bansa sa pamamagitan ng mga electric vehicles.

“Ito na ang magiging simula ng sustainable at innovative future ng bansa,” sabi ni Manong Chavit, na Number 58 sa Senate ballot.

“Sa pamamagitan ng mga electric jeepneys, makatutulong tayo hindi lamang sa ating mga kababayan kundi maging sa ating kalikasan,” dagdag niya.

Inihayag ni Rep. Singson ang kanyang pagsang-ayon sa inisyatibo ni Manong Chavit.

“This initiative is a testament to how cooperation can address urban mobility challenges. Your work sets a benchmark for innovation and sustainability,” sabi ng mambabatas.

               Ipinaliwanag ni Jong Gwan Rah ang technical aspects, ang kanyang insights sa Micro-EVs, proof-of-concept processes at ang kanilang pagnanais na magkaroon ng patas at sustainable mobility.

“Our goal is to promote fairness and innovation in the future of transportation, ensuring these advancements benefit all sectors of society,” sabi ni Rah.

Itinampok sa pagpapasinaya ang mga electric jeepneys na may modernong design at eco-friendly features.

Ayon kay Manong Chavit, ito na ang magiging sagot sa urban mobility problems at makatutulong rin ito sa pagbawas ng carbon emissions na magtataguyod ng sustainable public transport system sa bansa.

Dagdag niya, ito rin ang magiging daan upang manguna ang Filipinas bilang isang bansa na may sustainable transportation innovation.

“Magtulong-tulong tayo upang makamit natin ang isang sustainable na kinabukasan para sa lahat,” saad ni Manong Chavit.

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …