Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

121924 Hataw Frontpage

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang digital platform na siguradong makapagpapabago ng landscape ng online financial transactions sa bansa.

Pangungunahan ni Manong Chavit ang paglulunsad ng VBank noong Linggo, 15 Disyembre, sa Bridgetowne Destination Estate sa Eulogio Rodriguez, Jr., Avenue, Ugong Norte, Quezon City.

Kasama ni Manong Chavit si veteran comedienne Ai Ai delas Alas sa paglulunsad.

Ang VBank digital bank ay isang digital banking platform na secure at seguradong makapagpapadali sa online transactions para sa mga Filipino tungo sa pagiging financial inclusive ng bansa.

Sa mga gagamit ng VBank, makapagbubukas na sila ng bank account sa pamamagitan ng app at hindi na kailangang pumila pa at magpasa ng maraming dokumento, at maaaring makapagpadala ng pera sa lahat ng banko at digital wallets.

Maaari rin itong gamitin sa pagbabayad ng mga bills at kahit bumili ng mga mobile loads.

Mayroong lampas 6,000 cash-in outlets nationwide ang VBank kasama na ang Tambunting Pawnshops, Puregold, at Alfamart kaya mas madali ang transaksiyon kahit sa malalayong lugar.

“Hindi lamang ito banking, ito ay inilunsad ko para mabigyan ang bawat Filipino ng kakayahan na makasama sa pagpapalago ng ekonomiya sa bansa,” sabi ni Manong Chavit na Number 58 sa Senate ballot.

“Gagawing posible ng VBank ang makapagbigay ng mabilis at madaling financial services kahit nasaan ka man,” dagdag niya.

Inianunsiyo rin ng senatorial aspirant ang “Manong Chavit’s 58 Days Milyon-milyong Papremyo” pa-raffle  na layong maipakalat pa ang magagandang features ng VBank.

Nasa 58 winners ang mag-uuwi ng P5,800 kada isa habang isang suwerteng winner naman ang makapag-uuwi ng P58,000 araw-araw at isang grand prize na P580,000 ang naghihintay para sa isang lucky user ng VBank sa 58th day.

Para sumali, i-download lang ang VBank app, gumawa ng account at sundan ang Facebook page ni Manong Chavit para sa mga updates.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …