Sunday , December 22 2024

Haharap na sa Senado si Napoles, pakinggan natin

APRUB na kay Senate President Frank Drilon ang pagpatawag sa reyna ng P10-B pork barrel fund scam na si Janet Lim-Napoles alyas JLN.

Matagal din itong pinag-isipan ni Drilon. Hiningi niya pa ang advise ng Ombudsman. Pero ibinalik sa kanya ng -Ombudsman ang pagpapasya. At dahil nag-aalburuto na ang karamihan sa mga senador na maka-face to face  si JLN at sa lumalakas pang panawagan ng mamamayan na -buwagin ang pork barrel, no choice na si Pangulong -Senador kundi ang pagsalitain sa Senado ang reyna ng mga lumalamon ng baboy!

Reaksyon ng Malakanyang?

Kunwari, pinuri nito ang desisyon ni Drilon na paharapin na sa Senado si JLN.

Sabi nga ng tagapagsalita ni Pangulong Noynoy na si Atty. Edwin Lacierda, okey daw yun para hindi na -kailangang magpatawag ng caucus para pumayag si Drilon na i–subpoena si Napoles kaugnay ng imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee.

Abangan at pakinggan natin kung ano ang mga -sasabihin at ikakanta ni Napoles pag nakasalang na siya sa imbestigasyon. Dahil tiyak hindi aamin yan! Baka nga si ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo pa ang idiin nyan e. He he he…

Panawagan ng mga kandidato

sa barangay sa Comelec

– Joey, sana po maglabas ang Comelec ng guidelines kung ano mga bawal. Hindi kasi alam ng mga kandidato. Kagaya ng tarpaulin size at yung grupo sa tarpaulin bawal din daw. Dapat bago mag-file ang mga kandidato inilabas na ng Comelec, di ba? Salamat. – 09153844…

Oo nga naman. Dapat naglabas na ng guidelines ang Comelec kung ano ang mga bawal sa campaign paraphernalias sa barangay election upang sa ganun ay hindi -mangamba ang mga kandidato na ma-disqualify. Ano ba, Chairman Sixto Brillantes?

Anyway, sa pagkakaalam natin ang maximum size ay cartolina size. At hindi totoo na bawal ang grupo sa -tarpaulin. Kampanyahan na po simula ngayon!

Talamak na droga sakop

ng MPD-PS4

– Report ko po itong pusher ng droga dito sa barangay namin, masyado na po siyang nakakaperwisyo dito. -Nagiging adik na ang mga kabataan dahil sa kanya. “Patik” po ang name nya. Malakas po ata ito sa barangay at pulis kasi hindi hinuhuli kahit lantaran ang pagbebenta ng shabu. Ang tserman namin dito ay si Luis Domingo. Dito po ito sa Algeciras corner Florentino, sakop ito ng Stn 4 (MPD). Sana -maaksiyunan ito. Huwag nyo nalang po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

Paging MPD-PS 4 Commander, Kernel, Sir!, pakiwalis lang po ang “basura” sa erya mo. Aksyon!

Sumbong para

sa MPD Traffic Chief

– Mr. Venancio, gusto ko lang po maiparating ang reklamo ko sa chief ng MPD sa pamamagitan ng inyong pahayagan ang hindi magandang nangyayari sa investigation section ng Manila Police Traffic. Na-involve po kasi ako sa isang traffic accident. Tumawag ako sa Manila Traffic para -imbestigahan ang nangyari. Mahigit po 1 hr. bago dumating ang imbestigador. Nang dumating naman po ang imbestigador, isa pong nakasibilyan na photographer ang dumating at hindi pulis. Nang tinanong ko po ang sibilyan na photogapher kung nasan ang pulis, ang sinagot po sa akin ay sya na ang mag-iimbestiga. Ang ginawa po ay kinuhanan lang ng litrato ang aksidente pagkatapos dinala po kami sa MPD Traffic. Dun po kinuhanan kami ng detalye ng aksidente, pagkatapos po ng mga 1 hour mahigit, humingi po ako ng kopya ng pulis report at litrato. Sinisingil po ako ng 2 taw para sa pulis report at P1,500 para sa litrato. Akin po pinagmasdan ang mga nangyayari sa investigation section ng MPD, andami ko po nakita na  mga “bata-ata” ng pulis na sibilyan dun. Tama ba yun? – 09196830…

Mahusay at mabait ang hepe ng MPD Traffic na si C/Insp. Olive Sumagaysay. Surely, iimbestigahan nyo ang iregularidad na ito sa investigation section. Andaming gumagawa ng pera dyan e!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *