Sunday , December 22 2024

P-Noy sabit sa plunder vs. Ochoa, Paje at SM?

ISANG organisasyon ng mga kabataan ang uman’y nakatakdang maghain ng kasong plunder sa susunod na linggo laban kay Pangulong Aquino, dalawang cabinet member at mga opisyal ng SM na pag-aari ng business tycoon na si Henry Sy.

Ito’y dahil sa umano’y maanomalyang bentahan ng 31,000 square meters o mahigit sa tatlong ektaryang government property sa Northern Luzon na ibinenta sa SM.

Kuwestiyunable ang kasunduan dahil nakasaad raw sa deed of sale na ang bentahan ay P2,000 lang kada square meter, pero sa katotohanan ay P30,000 per square meter umano ang tinanggap na halaga ng grupo nina Executive Secretary Paquito ‘Jojo’ Ochoa Jr., at Secretary Ramon Paje ng Department of Environment and Natural Resources.

Ang deed of sale ay pirmado raw nina Ochoa at Paje kaya lumalabas tuloy na may basbas ni Pangulong Aquino ang naturang “cash-sunduan”.

Abangan na lang natin kung paano naibenta nina Ochoa at Paje ang nasabing lupain na pag-aari ng gobyerno.

SINDIKATO NI IAN ‘KWOK’

PROTEKTADO NI ‘GEN. KOMANG’

SANGKOT sa credit card syndicate na nag-o-operate sa casino ang isang IAN (aka KWOK), operator ng isang mining company na naka-base sa Surigao.

Ayon sa ating impormante, galing sa China ang mga credit card na ipinupuslit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng DHL.

At  noong nakalipas na Agosto, nagawang ipuslit ang 200 piraso ng credit card na nakapaloob sa isang package o pakete na naunang kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) kapalit ng P500,000, sa tulong ng isang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa halip na ipasunog ang kontrabando ay ipinatutubos din ng mga nakatalagang tauhan ng Customs sa DHL sa halagang P400,000 ang 80 piraso pang naiwan.

Si Ian, ay protektado ng isang alyas “General Komang” ng Philippine National Police (PNP) na nakabase sa Metro Manila.

Hindi lang kuwarta ang tinatamasa ng heneral mula sa illegal na aktibidad ni Ian Kwok, ultimo ang kakaibang libido ni General Komang ay natutugunan ng alagang Chinese.

Laging nireregaluhan ng magagandang bebot si General Komang kaya pala malimit siyang bumiyahe sa Surigao. doon sila nagtatampisaw sa kaligayahan ng mga babae na inireregalo sa kanya ni Ian Kwok.

Isang alkalde rin sa Metro Manila ang sinusuhulan nina General Komang at Kwok ng mga bebot na parausan.

MAG-UTOL NA ‘BUGOK’ SA KAMARA

NAKAKABANSOT siguro ng utak ang pagtatamasa ng kapangyarihan at pagkakamal ng kuwarta kaya may mga halal ng bayan ang wala sa tamang direksiyon ang lohika.

Tulad na lamang ng magkapatid na kongresista na sina Rufus at Maximo Rodriguez na naghain ng panukalang batas na House Bill 2550 0 “Magna Carta for Journalists”, at kailangan daw pumasa muna sa board exam bago bigyan ng akreditasyon upang makapagtrabaho bilang miyembro ng media.

Simple lang ang gustong mangyari ng magkapatid na Rodriguez, ang makontrol ng pamahalaan ang media.

Nauna nang inulan ng batikos ang kahalintulad na panukala sa Senado na inihain naman ni Jinggoy.

Akala kasi ng mag-utol na Rodriguez ay nasa panahon pa tayo ng rehimeng Estrada, at sila’y naghahari pa sa Bureau of Immigration (BI) na nagpapatupad ng bulok na sistema para sa kanilang interes.

Kaya marami tuloy ang nagdududa kung anong senaryo ang niluluto at pinaplano ng kampo ng mga Estrada sa 2016 o laban sa administrasyong Aquino kaya atat na atat silang ilusot ang pagkontrol sa media.

JINGGOY, PAHIYA KAY TAN

SA kauna-unahang pagkakataon at sa mismong bulwagan ng Senado, narinig ni Sen. Jinggoy Estrada mismo mula sa bibig ni Commission on Audit (COA) chief Grace Pulido-Tan na kailangan niyang isauli ng P200 milyong pork barrel na kanyang inilagak sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.

Ang kautusang ito ay nakasaad sa “notice of disallowance” (ND) mula sa 2007 hanggang 2009 special audit ng COA sa PDAF.

“It is our function to issue notices of disallowance, and the effect of a notice of disallowance is that we’re asking you to return the money,” sabi ni Tan.

May mga dokumentong nilagdaan ang mga mambabatas na talagang sangkot sila sa mga proyekto ng mga pekeng NGOs na sila pa mismo ang pumili.

Kaya saludo tayo kay Tan dahil hindi siya natigatig sa mga panduduro ni Jinggoy.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *