Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francis Tol Tolentino

Interoperability sa sektor ng edukasyon isusulong ni Tolentino

NANGAKO si Senate majority Leader Francis “Tol” Tolentino na kanyang isusulong ang tinatawag na interoperability sa sektor ng edukasyon sa sandaling muling mahalal na senador sa 2025 elections.

Ang pahayag ni Tolentino ay kanyang ginawa sa kanyang pagdalo sa 45th commencement Exercises Graduate School Programs Academic year 2023-2024 ng University of Perpetual Help System Dalta o UPHSD Las Piñas Campus.

Sa naturang programa, may temang “Celebrating the Legacy of Character Building is Nation Building” umabot sa 300 mag-aaral ng unibersidad ang nagsipagtapos na si Tolentino ang panauhing pandangal.

Ayon kay Tolentino ang kanyang panukalang isusulong ay lubhang komplikado ngunit ito ang kailangan ng sektor ng edukasyon sa kasalukuyang panahon.

Paliwanag ni Tolentino, ang naturang panukala na ang isang mag-aaral na nag-aaral sa isang state universities and colleges at lilipat sa pribadong paraalan ay awtomatikong makekredito ang lahat ng subjects na natapos sa pinanggalingang paaralan.

Nais ni Tolentino na ma-enhance ang digital education sa bansa na aniya’y nangangahulugan na ang paggamit ng mga gadgets ay hindi lamang sa pag-aaral magagamit o mapapakinabangan kundi sa paghahanapbuhay din.

Tatahakin din ng mga mag-aaral ang kanilang entrepreneurial journey habang sila ay nag-aaral pa lamang.

Samantala sa kanyang mensahe sa mga dumalo sa pagtatapos, dapat nilang gamitin ang kanilang kaalaman upang himukin ang mas maraming Filipino na iboto ang mga karapat-dapat maupo sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno sa darating na 2025 midterm elections.

Ayon kay Tolentino, ang paghahalal dapat ay isang malalim at mapanuri tulad ng mga nagtapos na pawang may lalim sa usapin ng katotohan.

Mahalaga ani Tolentino ang track record ng ihahalal na kandidato upang malaman kung mayroon nang nagawa o napatunayan at hindi lamang dahil sikat, magaling kumanta, o napapanood sa telebisyon o social media. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …