Friday , May 9 2025
Alice Guo

Sa patuloy na pagsisinungaling
Cite in contempt ipinataw vs Alice Guo sa pagdinig ng House Quad Comm

DESMAYADO sa mga nakuhang sagot, inirekomenda ng isang kongresista na patawan ng cite in contempt si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo a.k.a. Guo Hua Ping sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Representantes.

Pag-uusapan ng komite kung saan ikukulong si Guo na kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Custodial Center dahil sa utos ng korte kaugnay ng kasong graft na kinakaharap nito bukod pa sa ibang kasong kriminal na isinampa laban sa kanya.

Inaprobahan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chair ng Quad Committee, ang mosyon ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano na i-cite in contempt si Guo dahil sa paglabag sa Section 11, Paragraph C ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.

“There is a motion to cite Alice Guo, a.k.a. Guo Hua Ping, in contempt. Are there any objections? Hearing none, the motion is approved,” sabi ni Barbers.

Sumunod dito, hiniling ni Paduano na ikulong si Guo hanggang matapos ang report ng komite kaugnay ng pagdinig at maaprobahan ito sa plenaryo ng Kamara.

Inaprobahan din ni Barbers ang mosyon.

Sa pagdinig, tinanong ni Paduano si Guo kung bakit hindi siya nagpiyansa gayong nagkakahalaga lamang ito ng P180,000.

Sinabi ni Paduano na sinadya ni Guo na huwag magpiyansa dahil mas gusto niyang makulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

“Hindi ka nag-bail kasi mas gusto mong naka-detain doon sa PNP custodial facility kaya hindi ka nag-bail. Ayan ang totoong kuwento roon. Huwag na tayo maglokohan dito,” sabi ni Paduano.

“Again, you’re lying. You’re fooling this country, you’re fooling the Filipino people,” dagdag ni Paduano.

Ipinatawag si Guo kaugnay ng kanyang koneksiyon sa operasyon ng ilegal na Philippine offshore gaming operations (POGOs). (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …