Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alice Guo Francis Tolentino Crispin Remulla

Sen. Tolentino kinatigan si Secretary Remulla sa kustodiya ni Alice Guo

SINUPORTAHAN ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang naging pananaw ni Department of Justice ( DOJ) Secretary Crispin Remulla na dapat ay nasa kustodiya ng Bureau of Immigration (BI) ang naarestong si nasibak na Bamban Tarlac Mayor Alice Guo alyas Guo Hua Ping sa Jakarta, Indonesia matapos na tumakas palabas ng Filipinas.

Sa panayam, inamin ng isa rin beteranong abogado na si Senador Tolentino, maging siya ay ganoon din ang pananaw na hindi dapat sa kustodiya  ng PNP dahil immigration law ang unang nilabag ni Guo base sa kanyang tunay na citizenship bilang isang Chinese national base na pinatunayan ng mga dokumento na nakalap ng NBI at Immigration.

Aniya, mali ang pagkustodiya kay Guo at mali ang Capaz Regional Trial Court at maaring iakyat at kuwestiyonin ito sa Korye Suprema.

Samantala, nagpasalamat si Senador Tolentino kay Pangulong Ferdinand @Bongbong” Marcos, Jr., sa pagpapatupad ng Republic Act 11953 o ang New Agrarian Emancipation Act (NAEA) o ang 1,119 Distribution of Certificate of Condonation ( COCROM)  sa 1,728.349 ektaryang ipamamahagi bilang land award sa 1,000 Agrarian Reform beneficiaries sa lalawigan ng Bulacan na ginanap sa DAR Gymnasium, sa lungsod ng Quezon.

Dumalo sa pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka si Pangulong Marcos at si Senador Tolentino. Sinabi ng senador na simula pa lamang ito para sa ikabubuti ng mga lokal na magsasaka upang mas mapalakas ang agrikultura sa bansa.

Kaugnay nito, susunod na mabibiyayaan ng lupa sa ilalim ng New Agrarian Emancipation Act ay ang mga magsasaka sa lalawigan ng Batangas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …