Thursday , December 19 2024
Ka-Palawan Awards para sa mga OFW

Palawan Group Naglulunsad ng Global Ka-Palawan Awards para sa mga OFW

Ikinararangal Ang Palawan Group of Companies, ang nangungunang pawnshop at money remittance company sa bansa, ang pagpapasinaya ng Global Ka-Palawan Awards. Ang parangal na ito ay nagbibigay pugay sa mga natatanging  kwento, di matatawarang sakripisyo at taos-pusong dedikasyon ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs)  para makapagbigay ng  magandang buhay at kinabukasan para sa kanilang pamilya at sarili.

Pinahahalagahan  ng Palawan Group ang ating mga bagong bayaning OFWs sa pamamagitan ng kanilang world-class international remittance services ng  Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala (PPS–PEPP), at ng PalawanPay e-wallet app.  Nagbibigay ang kumpanya ng mas madaling access, mas abot-kaya, at mas secure na serbisyo. Ang mga pamilya ng OFWs ay madali at mabilis na makakakuha ng remittances sa mahigit 6,000 branches nationwide ng PPS-PEPP, o kahit saan at anumang oras sa pamamagitan ng PalawanPay app, isa sa pinakamabilis na lumalagong e-wallets sa bansa.

Tinitiyak ng PPS-PEPP na ang bawat pera padala ng mga OFWs ay kaagad matatanggap ng kanilang mga mahal sa buhay . Bukod dito, ang mga kumukuha ng remittance sa Palawan Express Pera Padala at PalawanPay App ay may libreng Kabayan ProtekTODO Insurance. Ang microinsurance na ito ay may coverage na hanggang P20,000 para sa claims mula P1 hanggang P15,000 na may bisa sa loob ng isang buwan, at P25,000 para sa claims na P15,001 pataas, na may bisa sa loob ng anim na buwan.

Ang mga OFWs at kanilang mga pamilya ay makakasiguro na ligtas ang kanilang pinaghirapang pera at siguradong makakarating ng mabilis sa pamamagitan ng malawak at pinagkakatiwalaang network ng Palawan Group of Companies.

“Buong puso kaming nagagalak  na ilunsad ang Global Ka-Palawan Awards upang bigyan ng pahalaga ang mga kwento ng tagumpay ng ating mga bagong bayani na OFWs. Ang parangal na ito ay hindi lamang kumikilala sa kanilang mga mabuting nagawa, ito ay isang pagpaparangal sa sipag, dedikasyon at tatag ng ating mga OFWs. Sila ay nagsasakripisyo para makapagbigay ng mas maayos at mas magandang buhay para sa  kanilang pamilya. Ito ay sumasalamin sa mga pinapahalagahan  namin dito sa Palawan gaya ng pagsisikap, dedikasyon, kahusayan at kakahayan.,” sambit ni Karlo Eugene Castro, Presidente at CEO ng Palawan Group of Companies.

Mag-Nominate na ng Natatanging OFW Ngayon!

Ang Global Ka-Palawan Awards ay bukas para sa nominasyon mula sa mga OFW o kanilang pamilya. Maaaring lalaki o babae ang nominado, dapat ay nagtatrabaho sa abroad ng hindi bababa sa isang taon sa anumang propesyon o trabaho, at may beneficiary na kumukuha ng remittance sa pamamagitan ng Palawan Express Pera Padala o PalawanPay app.

Ang nomination period ay hanggang Oktubre 10, 2024. Sampung grand winners ang makakatanggap ng 100,000 pesos bawat isa, at 20 finalists ang makakakuha ng consolation prize na tig-10,000 pesos bawat isa.

Paano Mag-submit ng Entries:

Step 1: Maaaring magsumite ng entries ang mga OFW/Participants sa mga sumusunod na paraan: 

A. Mag-post ang OFW sa Facebook ng kanilang larawan habang nagtatrabaho sa ibang bansa o nasa isang kilalang lugar o landmark sa bansang kanyang pinagtatrabahuhan. 

B. Mag-post ang kamag-anak ng OFW sa Facebook ng larawan ng kanilang kamag-anak na OFW sa abroad.

C. I-scan ng mga kamag-anak ng OFW ang opisyal na QR code ng Global Ka-Palawan awards sa alinmang PPS-PEPP branches sa bansa.

Step 2: Para sa mga magpo-post sa Facebook, kailangan nilang sagutin ang sumusunod na tanong sa caption, na hindi lalagpas sa 2,000 salita:

Para sa OFW: “Anong pinakamakabuluhang nagawa mo bilang OFW para sa iyong pamilya?”

Para sa kamag-anak ng OFW: “Anong pinakamakabuluhang nagawa ng kapamilya mong OFW para sa kanyang pamilya?”

Dapat naka public ang post, gumamit ng hashtag na #GlobalKaPalawanAwards2024, at i-tag ang opisyal na Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala Facebook page @palawan.pawnshop o https://www.facebook.com/palawan.pawnshop

Step 3:  Pagkatapos mag-post sa Facebook, kumuha ng screenshot ng post at i-upload ito gamit ang opisyal na Google Forms link kasama ang mga detalye para sa verification: Palawan OFW Awards Submission – https://bit.ly/PalawanOFWAwards.

Para sa mga nagsusumite sa anumang PPS-PEPP branch, kailangan nilang mag-share ng larawan ng OFW na kilala nila na nagtatrabaho sa abroad kasama ng sagot sa tanong na, “Anong pinakamakabuluhang nagawa ng kapamilya mong OFW para sa kanyang pamilya?” Hindi dapat lalagpas sa 2,000 salita ang kanilang sagot.

Iniimbitahan ng Palawan Group of Companies ang lahat na mag-nominate ng natatanging OFWs na may mahalagang kontribusyon sa kanilang buhay, trabaho, at komunidad. Ang mga nominasyon na ito ay magpapakita ng natatanging kwento ng mga OFWs

Makiisa sa Palawan Group sa pagbibigay-pugay sa mga natatanging  indibidwal na nagtataglay ng tunay na dedikasyon at kahusayan. Mag-nominate na ng outstanding na OFW ngayon at maging bahagi ng makabuluhang programang ito. Bisitahin ang alinmang PPS-PEPP branch o ang website ng Palawan Pawnshop para malaman pa ang tungkol sa mga awards.

Ang Palawan Pawnshop, Palawan Express Pera Padala, Palawan ProtekTODO, at PalawanPay ay nasa ilalim ng superbisyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang mga website ng Palawan Pawnshop at PalawanPay.

About hataw tabloid

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024

The *2nd Southeast Asian Premier Business and Achiever Awards 2024* press conference recently concluded with great success, bringing …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …