Friday , November 22 2024
CinePanalo full-length category

CinePanalo inihayag 8 opisyal na entry sa full-length category

WALO at hindi pitong pelikula ang mapapanood na sa 2025 CinePanalo Film Festival na ipalalabas sa Gateway Cinemas mula March 14 to 25, 2025.

Matapos ang masusing screening sa mga

pelikulang isinumite, walong panalo finalists ang napili na bawat isa ay mabibigyan ng P3-M production grant at may pagkakataong maipalabas sa  2025 CinePanalo Film Festival.

Ang walong napiling pelikula para makasama sa festival ay ang mga pelikulang Co-love ni Jill Singson Urdaneta; Fleeting ni Catsi Catalan; Food Delivery ni Baby Ruth Villarama; Journeyman ni Christian Paolo Lat at Dominic LatOlsen’s Day ni JP Habac; Perlas sa Silangan ni TM Malones; Sepak Takraw ni Mes De Guzman; at Tagsibol ni Tara Illenberger.

Ayon sa bumubuo ng CinePanalo napakaraming entries ang natanggap nila ngayong taon. At para mapili na makasama sa walo 16 muna  na filmmaker ang napili na dumaan sa face-to-face pitch. At sa 16 pumili ng walo na umangat.

Sa walong napili may pagkakataon na silang makakuha ng award tulad ng Pinakapanalong Mahabang Pelikula (Best Picture); Panalong Direktor (Best Director); Panalong Aktres (Best Actress); Panalong Actor (Best Actor); Panalong Karangalan Mula sa Mga Hurado (Special Jury Prize); Panalo sa mga Manonood; Panalong Pangalawang Aktres (Best Supporting Actress); Panalong Pangalawang Aktor (Best Supporting Actor); Panalong Kwento (Best Screenplay); Panalo sa Cinematography; Panalo sa Production Design; Panalong Awitin; Panalong Ensemble; Panalo sa Musical Scoring; Panalo sa Editing; Panalo sa Sound Design; at Panalo sa Film Poster. 

May pagkakataon din silang mIpalabas ang kanilang pelikula abroad. Tatlo sa CinePanalo 

entries noong isang taon ang nakasama sa foreign film festivals, ito ay ang Road to Happy sa Jagran Film Festival sa India; One Day League sa Exposures Montreal Trans Film Festival sa Canada); at A Lab Story sa Jagran Film Festival sa India at sa Asian Film Festival Barcelona sa Spain.

Bukod sa walong full length movies, mayroon ding student shorts competition na 25 student filmmakers ang mabibigyan ng grant na nagkakahalaga ng P150,000.00 bawat isa.

About hataw tabloid

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …