Monday , May 5 2025
Notoryus na magnanakaw akyat bahay sa Navotas huli sa akto

Notoryus na magnanakaw/akyat bahay sa Navotas huli sa akto!

TIMBOG ng mga operatiba ni Navotas City Police chief P/Col Mario Cortes ang isang 25-anyos kilabot na magnanakaw na si alyas Alvin, porter sa Malabon fish port at residente sa Longos Malabon City. Makaraang maaktuhang nilalagare ang kandado ng isang establisyemento kamakawala ng gabi sa Navotas City.

Nasakote ang suspek sa pinalakas na pagpapatrolya at agarang pagresponde sa tawag  ng komunidad patungkol sa nasabing krimen.

Nakumpiska ng Intelligence Section na pinangunahan ni PCapt Luis Rufo sa suspek na si alvin ang isang improvised firearm(sumpak), dalawang 12-guage ammo, lagare, martilyo, vice crip, wire cutter, cellphone at isang realme tablet.

Nabatid na ang hindi pinangalanang tindahan ay dati nang nilooban ng suspek noong July 2024 kung saan tinangay ang ilang pera at gadgets kabilang ang realme tablet na nabawi sa suspek nang bumalik at magtangkang pasukin muli ang tindahan.

Ang nasabing suspek ay matagal nang subject ng intensified police patrolling, spotting and manhunt operation ng Navotas PNP.

Nabatid pa sa pulisya na ang suspek rin ay sangkot sa ilang nakawan sa area tulad ng panloloob sa isang malaki ng establisyemento kung saan hindi bababa sa P20k cash at iba pang mahahalagang gamit ang natangay noong nakaraang taon sa nasabing lungsod. (BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Makati Taguig

Taguig ‘di tinanggihan naudlot na P200-B Makati subway project — Cayetano

BINIGYANG-LINAW ni Senador Alan Peter Cayetano na kailanman ay hindi tinanggihan ng pamunuan ng Taguig …

Yanna Vlog LTO Road Rage

Sa Zambales road rage
Motorcycle vlogger inisyuhan ng LTO-SCO

INISYUHAN ng Land Transportation Office (LTO) ng ‘Show Cause Order” (SCO) ang isang sikat na …

Tuguegarao

Tuguegarao, inaasahang may magbabalik

HINDI mapigilan ang ingay at init ng kalsada sa Norte nitong mga nakaraang linggo matapos …

Comelec Vote Buying

Vote-buying sa pormang ayuda
Marikina public school teachers umapela sa Comelec para imbestigahan si Quimbo

UMAPELA ang isang grupo ng public school teachers mula Marikina City sa Commission on Elections …

PAMILYA KO Partylist Atty Anel Diaz

PAMILYA KO PARTYLIST TANGGAP MAGIGING RESULTA NG HALALAN
Pananatiling pasok sa survey ipinagpasalamat

HANDA ang Pamilya ko Partylist sa magiging resulta ng halalan sa 12 Mayo 2025. Ito …