Sunday , November 24 2024

Burger Machine talamak na ang unfair labor practices

00 Bulabugin JSY

NANGHIHINAYANG tayo sa kompanyang Burger Machine.

Noong unang bukas nila, isa sila sa mga paboritong burger ng masang Pinoy.

Malinis, masarap, laging bago ang tinapay.

May isang panahon na mula sa food cart/stall biglang umusbong ang ilang fastfood restaurant nila. S’yempre kasabay ng pag-unlad nila ay nakapagbigay sila ng trabaho sa marami nating kababayan.

Pero isang panahon rin na unti-unting nagsara ang kanilang mga fastfood resto, hanggang mangilan-ngilan na lang ang nakikitang food cart/stall nila.

Pero ang malungkot, hindi na singsarap nang dati ang kanilang mga isinisilbing pagkain at luma na ang tinapay.

Pero ang higit na nakalulungkot ang kanilang mga empleyado ay HINDI na minimum ang sweldo, walang SSS, walang Philhealth at hindi pa nakapagbabayad ng overtime pay.

Kapag gusto naman mag-resign ng empleyado, ‘yung ibibigay na P1,000 ‘e aabutin nang halos tatlong buwan kababalik-balik bago nila makuha.

Mr. CEAZAR B. RODRIGUEZ, ano ba ang nangyari sa kompanya ninyo at nagkaganyan?!

Alam nating mahirap ang takbo ng mga negosyo ngayon, pero hindi naman mga ROBOT ‘yung mga empleyado ninyo. Mayroon silang pamilya na umaasa sa kanila at maging ang sarili nila ay kailangan din nilang buhayin.

Tao sila Mr. Rodriguez, hindi bagay … kaya hindi talaga bagay at lalong hindi tama ‘yang ginagawa mo sa kanila.

Kung hindi mo na talaga kayang patakbuhin nang sabay-sabay ‘yang mga food cart/stall ninyo na nagha-hire pa kayo ng mga empleyado ‘aba e gawin mo na silang INDUSTRIAL PARTNER o gawin mong kabayaran ‘yang mga food stall na ‘yan sa mga empleyadong hindi mo nababayaran nang tama …

Baka sa ganoong paraan ‘e bigyan ka ng magandang kapalaran ng KARMA.

Huwag mong iligtas ang sarili mo sa kahirapan Mr. Rodriguez habang ang mga empleyado mo at mga pamilya nila ay nabubuhay sa paghihikahos.

Make an effort, Mr. Rodriguez.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *