Monday , December 23 2024

Resorts worst este’ World Manila balasubas sa empleyado!?

00 Bulabugin JSY
KAKAIBA na pala itong Resorts World Manila na gabi-gabi ay kumikita nang limpak-limpak pero kung balasubasin ang kanilang empleyado ay daig pa ang maliliit na kompanyang apektado ng hindi maayos na ekonomiya.

Gabi-gabi po, ang Resorts World Manila ay dinarayo ng mga taong may kwarta at handang gumastos.

Marami rin mga dayuhang Casino player. Higit sa lahat tambayan ang Resorts World ng mga money launderer at tax evaders … d’yan nila ibinubuhos ang kwartang nakukulimbat nila.

Pero grabe naman ang TRATO nila sa kanilang mga empleyado na buong oras nila ay kanilang ipinagtatrabaho sa nasabing resort.

Bukod sa hindi sila well compensated sa haba ng oras na ipinagtatrabaho nila, kulang na kulang din ang benepisyong natatanggap nila.

Sabi nga ng mga empleado, napakatamad magbigay ng insentibo ng Resorts World management sa kanilang mga empleado.

Sa sama nga ng loob ay nag –WALKOUT ang mahigit 50 staff kamakalawa. Halos sabay-sabay na hindi pumasok.

Mantakin ninyong ‘yung pangakong BONUS na ibibigay umano ngayong buwan ‘e baka sa Chinese New Year na raw ibigay?!

SONABAGAN!

Ngayon pa na halos HOLIDAY SEASON na saka pa sila nagmamaramot sa mga empleado?!

Ang katwiran daw ng RW Chairman na si Mr. DAVID  CHUAHUA éste’CHUA ‘e, malaking talo raw ng Resorts World, two months ago …

PAKENGSYET!

Ano kinalaman ng PAGPAPASWELDO nila sa win/lose ng Casino?!

Ibig sabihin wala silang puhunan para sa kanilang mga empleado?!

E samantala, nagmayabang pa raw si DAVID CHUA na malaki ang income nila noong 2011 at 2012 kaya magbibigay sa lahat ng staff ng bonus.

S’yempre umasa ang mga staff dahil pinagpaguran nila iyon!

Isang taon na ang nakalilipas nang ipangako ni Mr. Chua ang nasabing BONUS pero hanggang ngayon ay wala pa rin …NGANGA PA RIN!

‘E napakabalasubas naman pala nitong si Mr. David Chua.

Wala na nga kayong buwis na binabayaran, ginugulangan pa ninyo mga empleado n’yo!?

Hoy MR. CHUA, ibigay mo ‘yang BONUS ng mga staff mo, huwag kang BALASUBAS!

BURGER MACHINE TALAMAK NA ANG UNFAIR LABOR PRACTICES

NANGHIHINAYANG tayo sa kompanyang Burger Machine.

Noong unang bukas nila, isa sila sa mga paboritong burger ng masang Pinoy.

Malinis, masarap, laging bago ang tinapay.

May isang panahon na mula sa food cart/stall biglang umusbong ang ilang fastfood restaurant nila. S’yempre kasabay ng pag-unlad nila ay nakapagbigay sila ng trabaho sa marami nating kababayan.

Pero isang panahon rin na unti-unting nagsara ang kanilang mga fastfood resto, hanggang mangilan-ngilan na lang ang nakikitang food cart/stall nila.

Pero ang malungkot, hindi na singsarap nang dati ang kanilang mga isinisilbing pagkain at luma na ang tinapay.

Pero ang higit na nakalulungkot ang kanilang mga empleyado ay HINDI na minimum ang sweldo, walang SSS, walang Philhealth at hindi pa nakapagbabayad ng overtime pay.

Kapag gusto naman mag-resign ng empleyado, ‘yung ibibigay na P1,000 ‘e aabutin nang halos tatlong buwan kababalik-balik bago nila makuha.

Mr. CEAZAR B. RODRIGUEZ, ano ba ang nangyari sa kompanya ninyo at nagkaganyan?!

Alam nating mahirap ang takbo ng mga negosyo ngayon, pero hindi naman mga ROBOT ‘yung mga empleyado ninyo. Mayroon silang pamilya na umaasa sa kanila at maging ang sarili nila ay kailangan din nilang buhayin.

Tao sila Mr. Rodriguez, hindi bagay … kaya hindi talaga bagay at lalong hindi tama ‘yang ginagawa mo sa kanila.

Kung hindi mo na talaga kayang patakbuhin nang sabay-sabay ‘yang mga food cart/stall ninyo na nagha-hire pa kayo ng mga empleyado ‘aba e gawin mo na silang INDUSTRIAL PARTNER o gawin mong kabayaran ‘yang mga food stall na ‘yan sa mga empleyadong hindi mo nababayaran nang tama …

Baka sa ganoong paraan ‘e bigyan ka ng magandang kapalaran ng KARMA.

Huwag mong iligtas ang sarili mo sa kahirapan Mr. Rodriguez habang ang mga empleyado mo at mga pamilya nila ay nabubuhay sa paghihikahos.

Make an effort, Mr. Rodriguez.

ILLEGAL GAMBLING KOMPLETO NA SA AREA NG MPD PS-1

(PINALARGA NI TATA KARIL BUNGANGA!)

LARGADO ang lahat ng klaseng SUGAL-LUPA sa lungsod ng Maynila dahil sa pamamayagpag ng ilang 1602 OPERATOR na gaya ni bookies queen EDNA ENTENG.

Isang alias TATA KARIL BUNGANGA ng MPD PS-4 ang nagbibigay ng basbas at kumokolekTONG ng TARA y TANGGA mula sa mga operator ng sugal-lupa.

Kay alias Tata Karil rin naghahatag si TATA PAKNOY ng TARA y TANGGA. Ang siste, ‘pag DELIVER ni TANDANG PAKNOY ng TARA sa nagpapakilalang KOLEKTOR ng MPD-HQ na si alias KARIL BUNGANGA siya naman ang ibinibigay sa kanang kamay ng isang PUNYENTE ‘este’ TINYENTE ARN-ARN na si alias RIC SORNAKNAK saka hinihimay at ginugupit para ihatag naman daw sa MPD PS-1.

MPD DD GEN. GANI GENABE sir, TOTOO ba na si alias TATA KARIL BUNGANGA e official bagman ng MPD?

Bakit si Bunganga na naka-assign dapat sa MPD PS-4 pero  sa AOR ng TONDO-1 nag-o-operate ?

MPD PS-1 chief P/Supt. Decena sir, ganyan ba kalakas si Tata bunganga sa inyo?

No wonder kaya pala HATAW ang mga BOOKIES ng KARERA d’yan sa iyong AOR, maging ang mga demonyong VIDEO KARERA sa kalye LALLANA, VELASQUEZ at PACHECO.

ALAM mo ba KERNEL DECENA na mayroong malakasang lotteng d’yan sa PRITIL MArket?

Pakitanong mo na lang kay TINYENTE Raffy Melencio ng PRITIL PCP at  baka BINUBULAG at BINUBUKULAN ka na ng matitikas na KOLEKTONG na nakapaligid sa iyo?

Kernel Decena, sabi ng isang lespu mo, madalas daw pumasyal sa iyong opisina ang isang tao ni Vice … nagya-yakbi na kayo Sir?!

Nagtatanong lang po.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *