BRUNEI DARUSSALAM – Tiniyak ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi pababayaan ng gobyerno ang maaapektohang overseas Filipino workers (OFWs) sakaling maaprubahan ang panukala ng isang political party sa Hong Kong na i-ban ang mga Filipina domestic helper sa kanilang lugar.
Sinabi ni Pangulong Aquino, wala silang magagawa kung ito ang desisyon ng Hong Kong government dahil teritoryo nila ito. Ayon kay Pangulong Aquino, ang tanging magagawa nilang paraan ay ang mabigyan ng malilipatang trabaho ang tatamaang OFWs.
Una rito, ipinaliwanag ni Pangulong Aquino kung bakit hindi siya magso-sorry sa Manila hostage crisis.
Hindi naman aniya kasala-nan ng buong bansang Filipinas ang insidente at may gumugulong nang kaso sa korte.
(ROSE NOVENARIO)