Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Modern Beetle Car Boys Dead

Mag-utol na totoy natagpuang patay sa moderno ngunit abandonadong beetle

PATAY nang matagpuan sa loob ng abandonadong beetle ang magkapatid na batang lalaki na huling nakasama ng ina noong Sabado ng tanghali sa Santo Tomas, Pampanga.

Napag-alaman na edad lima at anim ang mga biktima na natagpuan ang mga bangkay sa isang sirang kotse na nakaparada sa Barangay Moras dela Paz.

Sinasabing isang concerned citizen ang nakaamoy ng masangsang sa lugar hanggang nadiskubre ang bangkay ng magkapatid sa loob ng sasakyan na nakaparada sa layong 500 metro mula sa kanilang bahay.

Ayon sa ina ng mga bata, pinakain pa niya noong tanghali ang dalawa at hindi na niya nakita kinagabihan ngunit hindi siya nag-aalala dahil sa pag-aakalang nasa ama ang mga bata na nakatira sa ibang barangay.

Nalaman ng ina na nawawala ang kanyang mga anak nang madiskubre ang mga bangkay sa kotse.

Itinanggi ng ama na kinuha niya ang mga bata at sinabing noong nakaraang buwan pa niya huling binisita ang mga anak at hindi rin umano niya kukunin nang hindi alam ng ina.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad pero wala pa umano silang nakikitang foul play sa nangyaring insidente.

Ayon kay P/Capt. Jester Calis, hepe ng Santo Tomas Municipal Police Station, napansin niya na nangangamoy na ang mga bangkay kaya malamang na matagal na silang patay. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …