Friday , November 22 2024
Alexis Castro Bulacan

POGO bawal sa Bulacan

NAGHAIN ng mungkahi ang ika-11 Sangguniang Panlalawigan ng Lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Vice Gov. Alexis Castro ng ordinansa na hindi pahihintulutan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa loob ng hurisdiksiyon ng lalawigan sa pagdinig ng komite nito na ginanap sa Benigno Aquino Session Hall, sa lungsod ng Malolos, nitong nakaraang Miyerkoles, 3 Hulyo 2024.

Ginawa ng lehislatura ang hakbang kasunod ng mga ulat ng paglaganap ng POGO operations na nagdulot ng iba’t ibang isyu sa lipunan, ekonomiya, at seguridad sa buong bansa.

“Talagang naniniwala ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan na ang masamang epekto ng mga operasyon ng POGO ay nahihigitan ang kanilang mga benepisyong pang-ekonomiya at maaaring magpalala ng mga umiiral na sakit sa lipunan habang nagdudulot ng banta sa pangkalahatang katatagan ng ekonomiya ng bansa,” bahagi ng draft na ordinansa.

Ayon kay Castro, nagsiwalat kamakailan sa joint operations ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa mga kalapit na probinsiya ng Pampanga at Tarlac na sa loob ng matataas na gusali at malalawak na ari-arian ay may iba’t ibang krimen kabilang na ang paggamit ng ilegal na droga, prostitusyon, at online scamming.

Ilang manipestasyon na nagmumula sa magkabilang panig, bilang pagsuporta at pagsalungat sa panukalang ordinansa, ang inihatid sa pagdinig ng komite kabilang si San Rafael Mayor Cholo Violago; Bulacan PPO Provincial Director P/Col. Relly Arnedo; Malolos City Councilor Emmanuel Sacay; Association of Barangay Chairman – Angat Chapter Capt. Alexander Tigas; at iba pa.

Kinilala ng bise gobernador ang mga manipestasyon at tiniyak na ang lahat ay tatalakayin sa susunod na committee of the whole hearings.

Noong 26 Hunyo, inilabas ni Gob. Daniel Fernando ang Executive Order No. 19, Series of 2024 na nag-uutos sa mahigpit na pagsubaybay sa mga POGO sa lalawigan.

Alinsunod sa EO, ang lahat ng local chief executives sa lalawigan ay inaasahang mag-imbentaryo ng lahat ng operasyon ng POGO sa loob ng kani-kanilang hurisdiksiyon; subaybayan kung ang mga naturang operasyon ng POGO ay may naaangkop na mga lisensiya at pag-aproba ng gobyerno; at magsagawa ng naaangkop na mga inspeksiyon sa regulasyon ng mga POGO. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …