Monday , December 23 2024
100% Onboarding sa Paleng-QR, naitala sa Palengke ng Pulilan

100% Onboarding sa Paleng-QR, naitala sa Palengke ng Pulilan

MATAGUMPAY nanai-onboard nang 100% ang mga nagtitindang may puwesto sa Pamilihang Bayan ng Pulilan, sa Paleng-QR Ph Plus program ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ito ang idineklara ni BSP Regional Director for North Luzon Regional Office Atty. Noel Neil Malimban sa pormal na paglulunsad ng programa sa nasabing palengke kung saan iprinisinta ang naikabit na mga Quick-Response o QR Code sa lahat ng 217 na pwesto ng mga nagtitinda dito. 

Dinisenyo ang QR Code na isang two-dimensional image-based bar code upang makatanggap at makasagap ng mga personal at financial information.

Kaya nitong makapagpadala o makatanggap ng anumang halaga na hindi na kailangang humawak ng perang papel o barya.

Malaking ambag aniya ito sa isinusulong ng BSP na maiangat sa mahigit 50% ang digitalization sa pakikipagtransaksiyon sang-ayon sa digital transformation agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Nakapaloob dito ang target na maparami ang bilang ng mga Filipinong makakapagbukas ng bank account na ngayon ay nasa 65% na ng populasyon na tinatawag na financial inclusion ayon sa BSP.

Upang makagamit o makapagtransaksiyon sa QR Code sa Paleng-QR Ph Plus, kailangang gawing aktibo ang isang bank account o ang mga e-payments platforms sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na deposito o load.

Dagdag ni Atty. Malimban na hindi na magkakaroon ng problema sa mga kulang sa pagsusukli dahil eksaktong halaga lamang ng binibili ang kakaltasin sa bank account o e-payments platforms ng Paleng-QR Ph Plus. 

Ayon kay DTI-Region III Assistant Regional Director Officer-in-Charge at siya ring DTI-Bulacan Provincial Director Edna Dizon, direktang makakatulong ang Paleng-QR Ph Plus sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na nagtitinda sa palengke ng Pulilan.

Karaniwan aniyang nagiging limitado ang kita ng mga MSMEs dahil umaasa sa arawang bumibili ng patingi-tingi. Pero ngayong naka-onboard na sila sa Paleng-QR Ph Plus, maaari na silang makapagtinda sa pamamagitan ng iba’t ibang online marketing platforms.

Kaugnay nito, ipinagmalaki ni Alda Samson, pangulo ng vendor’s association ng palengke ng Pulilan, ang pagiging maagap ng mga may pwestong nagtitinda sa pagtanggap at paggamit sa Paleng-QR Ph Plus.

Ito aniya ang nagbunsod upang matamo agad ang 100% utilization bago ang pormal na paglulunsad ng programang ito sa Pulilan.

Kaakibat nito, lalong lumakas ang pagbubuklud-buklod ng mga taga palengke dahil patuloy silang nagkakatulungan upang mas matutunan at mapadali pa ang paggamit nito.

Samantala, ipinahayag ni Pulilan Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo na napapanahon ang pagkakaroon ng Paleng-QR Ph Plus ngayong magiging isang mas malaki at makabago ang Pamilihang Bayan ng Pulilan pagsapit ng 2025.

Nasa kasagsagan ang rekonstruksiyon at pagpapalaki ng naturang palengke na ngayon ay nasa 40% na ang progress rate. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …