Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia

Joshua Garcia may takot sa matataas na lugar

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINAHAGI ni Joshua Garcia na mayroon siyang acrophobia o fear of heights.

Sa isang interview nito ay inamin ni Joshua na sa recent vacation niya sa  Vatican City sa Rome ay nakaramdamdam siya ng takot sa taas ng kanyang pinuwestuhan.

Kaya naman dahil sa takot nitong mahulog ay tumalikod sa view para makapag-selfie.

“Ang hirap pumose kasi ‘yung baba parang sobrang taas. Takot ako sa matataas na lugar. Dahan-dahan akong lumalapit, nakatalikod lang ako,” pagkukuwento ng binata.

At kahit may takot na naramdaman, nagawa naman nitong makapag-palitrato at super nag-enjoy naman siya sa kanyang pagpunta sa Vatican City.

Naikuwento din nito na mas gusto pa niyang pagbutihin  ang pagiging aktor at thankful siya dahil nakakatrabaho niya ang mahuhusay na aktres sa kanyang henerasyon.

Honestly speaking, I think mayroon pa akong ii-improve, kasi hindi pa ako nakakapag- explore sa mga iba’t ibang techniques pagdating sa acting.”

“So, I think mayroon pa and this is my 10th year in showbiz, so I think magandang regalo siya for me to learn more,” ani Joshua.

Masasabi ko lang na masaya ako makakatrabaho ko sila, makaka-work ko ulit si Julia (Barretto) after a long time. Ngayon naman with Anne (Curtis). Matagal na siya sa industriya and working with them, I take it as blessing, “ pagtatapos ni Joshua.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …