Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LPCNSH Doña Josefa Campus graduates pinuri ni VM Aguilar

PERSONAL naipinaabot ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pagkilala at pinuri ang mga nagsipagtapos sa Las Piñas City National Senior High School – Doña Josefa Campus sa idinaos nitong 7th Commencement Exercises sa SM Southmall Events Hall.

Ikinatuwa ni VM Aguilar ang mga tagumpay sa akademiko ng mga nagsipagtapos na estudyante sa naturang paaralan.

Sa nasabing seremonya, tampok ang paggawad ng Mayor Nene Aguilar Academic Excellence Award na mismong si VM Aguilar ang nagkaloob sa mga graduates na pinakamahuhusay sa akademiko.

Ang award ay ipinangalan sa yumaong alkalde, Mayor Vergel “Nene” Aguilar, para kilalanin ang mga estudyanteng nagpamalas ng kanilang hindi matatawarang dedikasyon sa pag-aaral.

Sa kanyang talumpati, malugod na binati ng bise alkalde ang mga nagsipagtapos para sa kanilang ipinamalas na pagsusumikap at sigasig.

Binigyang-diin ni VM Aguilar ang kahalagahan ng edukasyon tungo sa pagkakamit magandang kinabukasan.

Hinikayat ng bise alkalde ang mga estudyante na ipagpatuloy ang kanilang pagpupunyagi upang maging mahusay sa akademiko at magkaroon ng magandang buhay.

Samantala, sa isang video message, ipinaabot ni Mayor Imelda T. Aguilar ang kanyang malugod na pagbati sa mga graduates at binigyang-diin ang pangako ng pamahalaang lungsod na suporta at pagkilala sa academic excellence.

Mahalaga ang pagdalo sa okasyon ng mga nasisiyahang magulang, mga opisyal ng lokal na pamahalaan at panauhin para kilalanin ang tagumpay ng mga graduates.

Naging maayos ang seremonya na nagtapos sa presentasyon ng mga diploma at espesyal na parangal sa mga estudyante para sa mahalagang yugto ng kanilang pag-aaral.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …