Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cleanup drive at road clearing operation sa mga vendors at informal settlers sa PNR Bicutan

Cleanup drive at road clearing operation sa mga vendors at informal settlers sa PNR Bicutan

PERSONAL na pinangasiwaan ni Parañaque City Police Chief PCol Melvin Montante ang isinagawang clean-up drive at road clearing operations alinsunod na rin sa kautusan ni NCRPO RD PMGen Jose Melencio Nartatez Jr at gabay ni SPD DD PBGen Leon Victor Z Rosete kung saan ang ilang dekada nang lugar ng mga side-walk, illegal vendors at informal settlers mapayapang nalinis sa PNR Site, Bicutan Public Market, East Service Road, Brgy. San Martin de Porres, Parañaque City.

Katuwang ni PCol Montante ang kanyang mga tauhan partikular na sina PCapt Zambale ng Sub Station 8; PltCol Solas,ACOPO; Taguig CPS chief PCol Olazo; SPD DCADD PCol Jenny Tecson at DMFB SPD.

Ang makabuluhang clean-up drive ay nagresulta sa pagkalinis ng naturang lugar kung saan aabot sa mahigit na 10-trak ng Parañaque at Taguig LGU ang patuloy na naghakot ng mga basura at mga nagibang materyales ng mga informal settlers.

Nabatid na ilan sa mga informal settlers sa area ay dati nang napabilang sa mga na-relocate sa probinsya subalit bumalik sa naturang lugar upang muling manirahan at makapagtinda sa area. Bagay na tinuldukan sa kasalukuyan upang maisaayos ang area at makapagbigay-daan rin sa proyekto ng PNR.

Sa matagumpay na cleanup and road clearing operation na bahagi ng proyektong “Kalinisan sa Bagong Pilipinas” ay natuldukan ang masikip na daloy ng trapiko  na matagal na anila nang naging problema  sa area. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …