Monday , December 23 2024
Online Gambling Gambling lalansagin ng 2 Konggresista ng Maynila

Online Gambling Gambling lalansagin ng 2 Konggresista ng Maynila 

PURSIGIDO ang dalawang magiting na konggresista ng Maynila na lansagin ang mga namamayagpag na sugal na namumunini sa online at text messages dahil sa madaling ma-access ito na may masamanag epekto nito sa mga kabataan at mga mahihirap na kababayan sa laylayan ng komunidad.

Sa naganap na ‘MACHRA Balitaan’ ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Harbor View, binanggit nina (1st District) Congressman Ernix Dionisio at Congressman Irwin Tieng (5th district) na kapwa sila humaharap ng konkretong paraan upang tuluyan ng matuldukan at ma-ban ang lahat ng uri ng illegal gambling kabilang ang online gambling 

Kasabay ng pahayag ay sumumpa rin ang dalawang konggresista na hindi nila ito titigilan hangga’t hindi nila  pormal na naisasakatuparan ang perpetual ban sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGOs.

Sa direktahang pahayag ni Dionisio, Giniit nito na dapat ay manatili na lamang ang sugal sa loob ng Casino para sa matiyak na ito ay para sa may kakayanan na mga nasa hustong gulang lamang na players. Aniya, naging napakadali ng access sa sugal dahil sa online na ito na may epekto sa mga mahihirap at mga estudyante na posibleng mauwi sa pagkalulong, pagkabaon sa utang hanggang sa paggawa ng krimen upang matustusan ang bisyong sugal.

“Gambling should be limited only to those who go to the casinos. Dapat ang sugal hindi accessible lalo na sa mga bata na ipinupusta pati mga baon nila,” sabi ni Dionisio kung saan ginawa niyang example ang isang pulis na sa kabila ng pagiging miyembro ng law enforcement, ay nalulong pa rin sa sugal. Giit ni Dioniso.

Pahayag naman ni Tieng, sinabi nito na pormal siyang sumulat sa isang hindi pinangalanang major telco company para hingi ang kanilang paliwanag patungkol sa pagpapadala ng text messages sa mga telco users na naglalaman ng pag-iimbita nito na pasukin ang site ng isang online gambling.

     Nais rin malaman ni Tieng kung ang naturang panghihikayat sa pamamagitan ng text message ay ipinadala ng Telco sa lahat ng subscribers o users nito maging sa mga menor de edad. Na posibleng mahilkayat sa onlinr gambling sa isang pag-click lamang ng link na nakapaloob sa naturang text message.

Giit pa ng dalawang masigasig na konggresista na dapat i-formalized at institutionalized ang pagba-ban sa POGO sa pamamagitan ng paggawa ng batas at stirktong pagpapatupad nito.

Isiniwalat pai ni  Dionisio ang lubhang masamang epekto at negatibong dulot ng online gambling at POGO  sa lipunan kung saan iilan lamang ang nakikinabang at higit sa nakukuhang benepisyo nito. Sinabi pa ng Kinatawan ng unang distrito na maraming paraan para kumita o makalikha ng pondo.

     “Dumarami ang corrupt, kokonti ang yumayaman, selective ang nagbe-benefit tapos magtatapon ng konting barya sa komunidad,” Idinagdag ni Dionisio. 

Ipiinunto naman ni Tieng ang mga hindi magandang pag-uugali ng mga tao sa likod ng POGO at ang mga krimeng nag-uugat dito o dulot nito.

Binanggit ng Kinatawan ng ika-limang Distrito ang mga krimeng ginagawa ng mga may kaugnayan sa POGO operations na mismong ang mga law enforcers na rin ang nagbunyag at humahabol sa kanila. 

Samantala, Buong suporta rin si Dionisio sa progressive stance ni Senate President Chiz Escudero na dapat ay maging wasto ang pagta-trabho ng regulatory body na Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)  at iwasan ang mismong pakikibahagi sa gambling operations. (BRIAN BILASANO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …