Sunday , December 22 2024

Ang suhol kahit anong tawag ay suhol

KAHIT ano pa ang gawing paliwanag ng administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III kaugnay ng pamumudmod ng salapi sa mga miyembro ng kongreso bago at matapos ang impeachment ni dating Punong Mahistrado Renato Corona ito ay malinaw na suhol.

‘Ika nga ni William Shakespeare sa kanyang Romeo and Juliet: “A rose by any other name would smell as sweet.”

Kahit tawagin pang Disbursement Acceleration Program (DAP) o Priority Development Allocation Fund (PDAF) ang perang ipinamudmod, pork barrel pa rin ‘yun na ang tanging layunin ay grasahan ang kongreso. Ang suhol kahit ano pa man ang itawag kesyo DAP o PDAF ay suhol pa rin. Hindi na ako sasawsaw pa sa debate kung legal o hindi ang nangyari. Bahala na ang mga abogado ro’n, basta ang alam ko alam na ng ba-yan kung tama o mali ang nangyari.

Nakadedesmaya na marami ang nabulagan sa gimik na islogan ni B.S. Aquino III na tuwid na daan. Ito palang daan niya bukod sa hindi naman pala talagang tuwid ay naliligiran din ng PDAF at ngayon ay DAP naman. Aaminin ko na noong una katulad ng marami sa atin ako ay umasa nang bahagya at binigyan siya ng tinatawag na benefit of doubt lalo na’t kung tutuusin ang rehimeng kanyang pinalitan ay matindi sa kabulukan. Nga-yon lumalabas na ungos lamang pala siya ng isa o dalawang paligo sa sinundan na dati niyang guro.

Kaya mahirap mambato sa loob ng bahay na salamin. Iyan ang isang aral na dapat pulutin ni B.S. Aquino.

* * *

Mabigat ang paratang na unconstitutional ang DAP sapagkat maaaring masibak sa poder si B.S. Aquino III dahil dito. Kung magkakataon ay maa-ari siyang mausig katulad ng kinamumuhian ni-yang guro na si Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa mga pahayag ni Senador Miriam Defensor Santiago dahil wala sa pangkalahatang budget ang DAP ito ay illegal. Ang salapi na pwedeng pakialaman lamang ng pangulo ‘yung mga natipid mula sa mga natapos na proyekto. Isa itong pamantayan na wala sa DAP ng Malacañang na pinakawalan sa mga miyembro ng kongreso lalo na sa mga umusig kay Corona.

Abangan natin ang susunod na mangyayari kung mai-impeach si B.S. Aquino dahil sa isyung ito.

* * *

Nakikiramay ako at ang aking mga mahal sa buhay sa naiwang pamilya ni Ginoong Jeremias Lacuarta ng Angeles City na sumakabilang buhay kamakailan.  Si Ginoong Lacuarta ay ama ng aking kasama sa podcastpilipinas.com at dating mamamahayag ng Philippine Daily Inquirer na si Gerald Lacuarta.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *