Sunday , December 22 2024

PDAF, DAP pahirap!

Isang malapit na kaibigan sa media ang umamin sa akin noong isang linggo na siya ay nilapitan ng isang kaibigan para i-recruit sa grupo na ang layunin ay palakihin ang isyu sa Disbursement Acceleration Program (DAP) na siyang itinuturing na pantakip sa mas malaking isyu ng pandarambong sa priority development assistance fund (PDAF) ng mga mambabatas. Kung napapansin po ninyo, mga kanayon, mula ng mag-privilege speech si Jinggoy Estrada, nagsimula ng gumulong ang DAP isyu. Mukang malinaw na CALCULATED at DELIBERATE  o sadya ang PR campaign sa DAP. At ngayon nga, ang mga dating nag-aakusa laban sa mga sangkot sa PDAF scam ay sila nang dumedepensa sa isyu naman ng DAP. May mali daw sa pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng DAP program sapagkat hindi ito naaayon sa batas. Malaki ang punto. Naniniwala din naman po tayo na kung talagang may dapat managot, dapat panagutin. Parusahan ang dapat parusahan kung sumablay ang gobyerno ni P-Noy sa paggamit ng bilyon-bilyong SAVINGS ng pamahalaan.

Ganunpaman, hindi po natin dapat kalimutan ang kaso ng PDAF scam kung saan kinasuhan ng PLUNDER sina Estrada, Juan Ponce Ernile, Bong Revilla, Janet Lim-Napoles at iba pang dating mambabatas.

Ayon sa aking impormante, sadyang napakalking pondo ang inilabas ngayon para pagtakpan ang PDAF scam. Upang ilayo ang mata ng publiko sa mga sangkot dito at ibaling ang sisi sa mga miyembro ng Gabinete gaya ni Budget Sec. Butch Abad. Ganiyan naman talaga ang trabaho ng mga SPINMEISTER o mga eksperto sa Crisis Public Relations. Kailangang magpalaki ng isang hiwalay na isyu para maiwaksi ang atensiyon ng taumbayan. Hidni ba kayo nagtataka kung bakit tahimik at walang kaimik-imik na ang mga sangkot sa PDAF scam?

Ang DAP naman, hinihintay lamang po nating may isang magsampa ng kaso. Pero hanggan sa ngayon ay tila wala pang interesdao. Ninanamnam pa ng mga OPERATOR ang PR value nito.

Saganang akin, kahit PDAF o DAP pareho lamang ‘yang pahirap. Pahirap dahil hindi naman bumababa sa pinakamaliliit nating mamayan ang biyaya ng mag pondong ito. Kung hindi sa mag palpak na proyekto, shoot ang pera sa bulsa ng ilang politiko at opisyal ng gobyerno.

E saan naman tayo lalagay niyan?

Joel M. Sy Egco

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *