Friday , November 15 2024
crime scene yellow tape

NEGOSYANTE NINAKAWAN, PINASLANG   
P1.8-M cash, alahas, sasakyan tangay

ISANG kilalang negosyante ang pinagsasaksak nang mahigit 50 beses matapos pagnakawan sa kanyang tahanan sa isang subdibisyon sa Barangay Burol Main, Dasmariñas City.

Sa ulat ng PNP Region 4A  nitong Martes, kinilala ang biktimang si William Tibayan, sakay ng kanyang Toyota Hilux Conquest papasok sa parking area ng kanilang bahay dakong 2:40 am nang biglang bumulaga ang tatlo lalaki, tinutukan siya ng baril saka pumasok sa loob ng sasakyan.

Pagpasok sa kanilang bahay, agad tinalian ng masking tape ang paa at kamay ng live-in partner ni Tibayan, kinilalang si Aniceta Nacua. Sinabing pinaghiwalay ng mga suspek sina Tibayan at Nacua.

Hinalughog ng mga suspek ang bahay at nilimas ang nasa P1,800,000 cash, mga mamahaling alahas, cellphones, at mahahalagang gamit sa loob ng bahay.

Hindi nakontento ang mga suspek, pinagsaksak ang negosyante nang mahigit sa 50 beses saka sila mabilis na sumakay sa sasakyan ng biktima na kanilang ginamit sa pagtakas.

Nang makaalis ang mga suspek, agad humingi ng tulong ang nakagapos na misis at dinala sa pagamutan ang biktima ngunit dahil sa rami ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival.

Tinutugis ng pulisya ang mga suspek.  (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …