Friday , November 15 2024
Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang KALINISAN sa Bagong Pilipinas Clean-Up Drive sa Arratelis Open Court, Barangay BF International kamakailan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni DILG Secretary Atty. Benhur Abalos, Jr., at dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan kabilang si Vice Mayor April Aguilar.

Bahagi ang clean-up drive sa pinalawak na KALINISAN o “Kalinga at Inisyatiba Para sa Malinis na Bayan” program na naglalayong mapabuti ang malusog at ligtas na kapaligiran sa pamamagitan ng mga hakbang pangkomunidad.

Nakatuon ang inisyatiba sa pagsasama-sama ng lahat sa lipunan upang mapreserba ang kalikasan sa pamamagitan ng bayanihan na tradisyonal na kaugalian ng mga Filipino na target paangatin ang kamalayan ng publiko patungkol sa pangangalaga ng kalikasan at himukin ang local government units (LGUs) na mamuhunan sa solid waste management at sustainable ecological practices.

Kabilang sa mga aktibidad ang serye ng paglilinis sa komunidad gaya ng pangongolekta ng mga basura, pagpapaganda ng mga pampublikong lugar at planting activity sa urban garden.

Sa pagtuon sa pakikilahok at responsibilidad sa komunidad, nais ng KALINISAN program na maturuan tayong gawin ang ating tungkulin sa pagpapanatili ng kalinisan at balanseng kapaligiran.

Ito ay mas malaking hakbang ng panghihikayat sa iba pang lokalidad na gayahin ang kaparehong mga gawi at maging ambag ng pambansang pagkilos para sa mas malinis at luntiang Filipinas. (EJ DREW)

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …