Sunday , April 6 2025
Arrest Posas Handcuff

No. 4 most wanted person ng NPD
DRIVER ARESTADO SA RIZAL

TIMBOG ang isang lalaking No. 4 most wanted person ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang manhunt operation ng mga tauhan ng Valenzuela City police sa Teresa, Rizal, kamakalawa ng hapon.

Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Valenzuela City police chief P/Col. Salvador Destura, Jr., nakatanggap ng impormasyon ang Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas Joemark, 28 anyos, driver.

Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Major Randy Llanderal saka ikinasa ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong 1:00 pm sa Carissa Homes East 2, Barangay Dalig, Teresa, Rizal.

Ayon kay Major Llanderal, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng Regional Trial Court Branch 270, Valenzuela City noong 17 Setyembre 2021, sa kasong Rape (RPC Art. 266-A) in rel. to R.A. 7610 – Child Abuse Law (2 counts).

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …