Monday , December 23 2024
PNP PRO3

Sa 24-oras crackdown ops ng PRO3 higit P6-M droga nasamsam

NAGBUNGA ang maigting na kampanya ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga nang madakip ang mga taong nasa likod nito at nasamsam ang malaking halaga ng pinaniniwalaang ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa mga lalawigan ng Pampanga, Tarlac, at Zambales nitong Miyerkoles ng gabi, 24 Abril.

Sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga, pinangunahan ng Station Drug Enforcement Unit katuwang ang CIU Angeles CPO ang pag-aresto sa kahabaan ng Don Juico Avenue, sa suspek na kinilalang si alyas Lexie, 19 anyos, mula sa Mabalacat, Pampanga; at alyas Zhe, 30 anyos, Chinese national, residente sa lungsod ng Pasay.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa dalawa ang 87 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P591,600; dawalang kilo ng party drugs (ecstasy) na tinatayang nagkakahalaga ng P4,000,000; chewable ecstasy tablets, ketamine (asin at kristal), at liquid marijuana Vape na tinatayang may kabuuang halagang P4,997,600; at isang .22 caliber pistol na kargado ng bala.

Kasabay nito, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba mula sa Provincial Drug Enforcement Unit-Tarlac PPO, PDEA Tarlac, at Gerona MPS sa McArthur Highway, sa Brgy. Amacalan, Gerona, Tarlac na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kinilalang sina alyas Japar, 48 anyos, security guard; at alyas Abdul, 47 anyos, truck driver, kapuwa tubong Marawi.

Nasamsam sa operasyon ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P204,000.

Sa isa pang matagumpay na operasyon sa Brgy. San Roque, lungsod ng Tarlac, nasakote sa magkatuwang na pagsisikap ng PPDEU-Tarlac PPO, PDEA Tarlac, at Tarlac CPS ang mga suspek na kinilalang sina alyas Tio at alyas Kadafi, kapuwa tubong Marawi, nakompiska mula sa kanila ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P204,000.

Gayondin, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga awtoridad mula sa Subic MPS, PDEA Zambales, Zambales PDEU, Zambales PIU, 305th MC, RMFB3, at Zambales 2nd PMFC sa Brgy. Matain, Subic, Zambales na ikinaaresto ng mga suspek na kinilalang sina alyas Tamil, 22 anyos, miyembro ng Abolencia Criminal Group; at alyas Jessa, 24 anyos.

Narekober mula sa mga suspek ang 105.8 gramo ng pinaniniwalaang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P719,440.

Pahayag ni P      /BGen. Jose Hidalgo, Jr.,  ang mga makabuluhang pagkilos laban sa droga ay tagumpay ng pulisya sa rehiyon na naglalayong pigilan ang supply ng droga.

Aniya, inuuna nila ang hindi marahas na paraan upang matiyak ang kaligtasan ng mga tauhan na nagpapatupad ng batas sa panahon ng mga operasyon, alinsunod sa mga direktiba ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco D. Marbil.

Sumasalamin ang mga operasyon sa walang humpay na pagsisikap ng mga ahensiyang nagpapatupad ng batas sa Gitnang Luzon upang labanan ang ipinagbabawal na kalakalan ng droga at pangalagaan ang mga komunidad mula sa masasamang epekto nito. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …