Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alex Santos Ali Sotto

Tambalang Doble A.S. sa Net 25 Primetime kaabang-abang

IPINAKIKILALA ng Net 25 ang bagong mukha ng balitaan sa mundo ng primetime news.

Pangungunahan ito ng isa sa mga beterano sa pagbabalita at pagbibigay ng serbisyong pampubliko, si Alex Santos, at ng isa pang batikan sa balitaan at komentaryo na si Ali Sotto

Ang tambalang doble A.S. sa Primetime, tunay na kaabang-abang.

Handog ang mga balitang nakatutok sa mga kritikal na isyu na malapit sa sikmura ng sambayanan. 

Mula sa mga balita ng seguridad at krimen hanggang sa presyo ng mga pangunahing bilihin at mga serbisyong panlipunan, ito ang mga balitang tututukan ng Mata ng Agila Primetime.

Makakasama rin ng tambalang Alex at Ali si Gianna Llanes para naman ibigay ang pinakahuling balita sa mundo ng lifestyle at entertainment. 

Mata ng Agila International: Isang Balita, Dalawang Wika

Sa kabilang banda, ibibigay naman ng Mata ng Agila International ang kakaibang format ng balitaan para sa mga tagasubaybay ng NET25. Pinangungunahan ng mga batikang brodkaster na si Rikki Mathay at ni Nina Ricci-Alagao Flores, hihimayin nila ang mga balita at isyung mahirap intindihin ngunit mahalagang malaman ng tao. Mula sa dating English newscast, ito ngayon ay ihahatid na sa wikang Filipino para mas lalo pang makatulong sa mga Filipinong naghahanap ng napapanahong impormasyon.

Sa huling 30 minuto ng Mata ng Agila International, matutunghayan naman ang World News sa wikang Ingles kasama si Alma Angeles, ang kasalukuyang International News Director ng Eagle Broadcasting Corporation. Sa pamamagitang ng bilingual na konsepto ng programa, masisiguro ang pagbibigay ng malalim na pag-unawa sa isyu na kinakaharap ng ating mga kababayan sa loob at sa labas ng bansa.

Pangako ng Mata ng Agila na makapagbigay ng halaga at linaw sa mga balitang sinusubaybayan ng bawat Filipino. Ihahatid ng mga programang ito ang mga impormasyong gagabay sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan. 

Inaanyayahan ng NET25 ang mga manonood na panoorin Ang Mata ng Agila Primetime at Mata ng Agila International.

Mula sa himpilan na naghahatid ng MATAtag, MATApang at MATApat na pagbabalita,  mapapanood na sina Alex at Ali sa Mata ng Agila Primetime. Makakasama rin nila si Gianna. Mula Lunes hanggang Biyernes, 6:00-7:30 p.m. sa NET25 at sa lahat ng NET25 livestreaming platforms sa Facebook at sa YouTube.

Pagsapit naman 930 p.m.-11 :00 p.m. tunghayan sina Rikki, Nina Ricci sa Mata ng Agila International, kasunod  ang World News na hatid ni Alma. Lunes hanggang Biyernes sa NET25 at maging sa NET25 livestreams sa Facebook at YouTube.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …