Tuesday , May 6 2025
Philippine Food and Beverage Expo 2024

 ‘Pakinggan si Villar’
ANING MASAGANA LILIKHA NG TRABAHONG MARAMI  

INIHAYAG ni Senate Committee on Agriculture  and Food chairperson Sen. Cynthia A. Villar na mababawasan ang pangangailangang ng Filipinas na mag-import ng  agricultural  products kapag masagana ang ani.

Kapag mayroon tayong mga produktong kasalukuyang inaangkat natin, sinabi ni Villar, agaran tayong makapagbibigay ng “ready market” sa ating mga magsasaka.

Sa kanyang mensahe sa Philippine Food and Beverage Expo 2024, tinukoy ni Villar na maaaring makipagkompetensiya ang mga magsasaka sa global market via exports.

Iginiit ng senador na magkakaroon ng maraming trabaho sa kanayunan kapag masagana ang ani sa agrikultura.

Aniya, isusulong nito ang rural development na malaking tulong sa paglago ng ekonomiya.

“If there is assurance of income in agriculture, the young people will go back to agriculture and many OFWs will be encouraged to go home and be with their families because they can earn here,” sabi ni Villar na nagsabing isa siyang OFW advocate.

Aniya, kapag available sa mababang presyo ang local products gaya ng gulay, prutas, livestock, poultry at dairy, may suplay para sa kanilang pagkain at inumin ang mga restaurant, merkado, supermarkets, manufacturers, importers, at consumers.

“That is food security,” dagdag ng senador sa ginanap na food expo na ngayon ay nasa ika-16 taon na.

Inorganisa at pinangunahan ang event sa World Trade Center sa Pasay City ng Philippine Food Processors and Exporters Organization (PHILFOODEX), nangungunang food industry association.

Lumahok dito ang mahigit 300 local growers at entrepreneurs sa food and beverage industry na nagpakita sa traders, buyers, at consumers ng kanilang mga natatanging produkto. Ang Expo ay ginanap mula Biyernes hanggang Linggo, 12-14 Abril 2024.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Jon Lucas Jan Enriquez

Management ni John Lucas pinababaklas pag-endoso kay Abalos

I-FLEXni Jun Nardo UMALMA ang team sa likod ng career ng Kapuso actor na si Jon …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Dead body, feet

Bangkay ng kelot nadiskubre habang nagsosoga ng baka

NADISKUBRE ng isang pastol ng baka ang bangkay ng isang lalaki na kanyang natagpuan bandang …

Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bulacan at Angeles City
DALAWANG MWP NAARESTO SA MAGKAHIWALAY PNP OPS

BILANG bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga pinaghahanap ng batas, dalawang most wanted …