Friday , November 22 2024

4-anyos nene ibinalibag ng tatay sa baldosa (Ulo nalamog nang husto)

100613_FRONT

ILOILO CITY – Kritikal sa West Visayas State University Medical Center ang 4-anyos paslit matapos ibalibag ng ama sa baldosa ng isang presinto sa lalawigang ito.

Ang biktimang si Julie Ann Mae Capitania ng isla ng Guimaras ay nagkaroon ng malubhang pinsala sa ulo dahil sa dalawang beses na pagbalibag ng ama sa baldosa.

Ang insidente ay nangyari sa police station sa Lapaz PNP sa lungsod ng Iloilo.

Nagtungo ang lola ng bata sa police station matapos silang magkagulo at habang nakikipag-usap sa pulis, kinuha ng ama ang anak at lumabas sa police station saka bigla na lang ibinalibag sa baldosa.

Base sa kuha sa CCTV camera sa police station, hinawakan ng ama sa balakang ang anak saka inihampas nang malakas sa semento.

Hindi binitiwan ng ama ang kanyang anak at muling ibinalibag sa baldosa hanggang maawat at arestohin ng mga pulis. Ikinulong sa selda ang ama habang agad isisnugod sa ospital ang paslit.

Habang nasa loob ng selda ng police station, mistulang wala sa sarili ang suspek at tumangging magbigay ng pahayag kung bakit niya nagawang ibalibag sa baldosa ang kanyang anak.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

112024 Hataw Frontpage

Sa nilustay na pondo ng OVP sa loob ng 11 araw
P1-M PATONG SA ULO VS ‘MARY GRACE PIATTOS’
 Eksperto sa sulat-kamay kailangan

PLANO ng House panel na nag-iimbestiga sa sinabing hindi maayos na paggasta sa confidential funds …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *