Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Lahbati HK date

Sarah Lahbati iginiit kaibigan ang ‘ka-date’ sa HK

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

I am single!” ito ang iginiit ni Sarah Lahbati bilang sagot sa mga naglalabasang tsika na nakita siyang nagbabakasyon sa Hong Kong na may kasamang lalaking foreigner.

Sa isang interbyu, nilinaw ni Sarah na kaibigan niya ang sinasabing kasama niya sa pamamasyal.

Aniya, “I went to Hong Kong to experience the art. It’s always been a dream of mine to travel around and I was happy that I was able to go.  

“And that photo circulating around is my friend. I visited Hong Kong and met up with different friends.”

Iginiit pa ni Sarah na wala siyang nakikitang problema kung ma-link man siya ngayon sa ibang lalaki dahil single naman siya.

“Is it unfair? Is it bothering me now? It takes a lot more for something to bother me now.

“But I think as, as a woman, we’re all allowed to have guy friends but again, it’s okay to speculate because again, I’m single and it is part of this whole new thing,” paliwanag ng aktres.

Kamakailan, kumalat sa social media ang picture ni Sarah habang kumakain sa isang restoran sa Hong Kong kasama ang sinasabing lalaki.

Natalakay ito sa Youtube channel ni Ogie Diaz na aniya, “May nagpasa lang ng mga litrato sa akin ng sightings ng isang kababayan na sobrang avid viewer… nakasabay daw niya sa restaurant sa Hong Kong si Sarah Lahbati.  

“Nasa kabilang table si Sarah at mayroong kasamang lalaki,” tsika pa.

So there, mabilis ang paglilinaw ni Sarah na hopefully ay matitigil na ang pang-iintriga sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …