Monday , December 23 2024
Solomon Jover Alee Rendering Facility

P50-M cyber libel banta ng rendering facility vs news network 

NAGBANTA ng asuntong P50-M cyber libel ang isang negosyante laban sa isang malaking news network dahil umano sa isang ‘maling’ flash news na lumabas sa estasyon ng telebisyon kaugnay ng operasyon ng kompanyang Alee Rendering Facility.

         Ayon kay Solomon Jover, ang kanyang pag-aaring pasilidad ay napinsala sa umano’y maling balita ng news network kaugnay ng mga tone-toneladang ‘condemned meat’ mula sa China na dinudurog o ginigiling sa kanyang pasilidad para gawing fish meal.

         Nauna rito, iniulat ng isang news network na 27 toneladang ‘mishandled meat’ ang nasabat ng Department of Agriculture (DA). Ang nasabing ‘mishandled meat’ ay sinabing ‘subject for condemnation’ o kailangang durugin. Ngunit pagdating umano sa pasilidad ay wala roon ang karne at ibinagsak sa ibang lugar.

         Pero pinasinungalingan ito ni Jover at sinabing mali ang balita, dahil nang magpunta roon ang reporter ng news network ay naroon ang mga karne at naroon din siya, ang may-ari.

Aniya, “Lahat ng mga evidence na nakikita ninyo ngayon pati ‘yung mga record galing sa Customs ay ikakarga kong ebidensiya at kakasuhan ko siya ng cyber libel at ikakarga ko sa kanya kung ano ang damage ng kompanya ko na ginawa niya.

“Sa Tuesday po, magpa-file ako ng kaso (laban) sa kanya, at di baleng gumastos ako nang malaki, ang gusto ko maitama po ‘yung mali… hindi ako galit sa kanila… e nasaan po ang totoo, napinsala ang kompanya ko nang dahil sa maling report…”

Ang Alee Rendering Facility ay accredited ‘condemnator’ ng Bureau of Customs.

Ani Jover, “Wini-witness ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Customs (BoC), Coast Guard (PCG) at iba pang ahensiya ng gobyerno para matiyak nila na ito’y talagang dinistrak (destruct) o giniling para ito’y hindi pag-interesan ng mga kababayan natin na kainin…

“Kaya gigilingin ‘yan hangga’t makita ng iba’t ibang ahensiya na ‘yan na ‘liable’ doon sa paggigiling na ‘yan na madurog lahat. Kapag ‘yan naman po ay nadurog lahat dindala ‘yan ni Alee Rendering sa mga palaisdaan, tulad ng pagkain po ‘yan ng hito, cream dory at alimango…”  

         Ipinaliwanag ni Jover na mahigpit na ipinatutupad ang mga ahensiya ng pamahalaan na nakatutok sa mga kagayang pasilidad ang mga alituntunin at proseso kaugnay nito.

         Aniya, “‘Yang karne po na ‘yan ay talagang tinututukan ng Department of Agriculture dahil ‘yan po ay galing ng China… kaya mahigpit po ang Department of Agriculture sa mga karne na ‘yan tulad ng nakikita ninyo sa likod ko. ‘Yan po ay palaka, Peking Duck, at saka ‘yung maliliit na baboy na ‘yan, mayroon ding squid ring ‘yan, kung ano man po ‘yung mga ‘agri’ na galing po sa China tulad po ng mga meat na ‘yan ay talaga pong tinututukan ng Department of Agriculture na sirain para hindi ho makarating sa merkado at hindi ho… alam po nila ‘yan baka magkaroon ng sakit ang mga kababayan natin kapag kinain…”  

         Sinabi ni Jover, hindi siya galit sa nasabing news network lalo na kung itutuwid nila ang maling balita.

“Binibigyan ko sila nang hanggang Lunes (ngayong araw) ano, na ituwid nila ‘yung news nila sa flash news report nila, kapag wala akong narinig… lahat ng mga evidence na nakikita ninyo ngayon, pati ‘yung mga record galing sa Customs ay ikakarga kong ebidensiya at kakasuhan ko siya ng cyber libel at ikakarga ko sa kanya kung ano ang damage sa kompanya ko na ginawa niya…

“Itama mo ‘yung news mo, kung sino ang nakausap mo, dahil naririnig ko ang sinasabi ninyo kagabi, kaya lang hindi ko lang alam kung ano ang naging usapan ninyo, itama mo lang dahil kitang-kita mo sa likod, dapat inalam mo muna bago mo inere ‘yan

kung ano ba talaga ang totoong nangyari.

“Kasi lumalabas, e ‘yung Bureau of Customs parang, kung totoo man ‘yung sinasabi mo na ideneliver, e lalabas dito, sangkot ang Customs dito, kaya ituwid mo ang pagkakamali mo, dahil habang ini-interview mo ‘yung taga-Department of Agriculture kitang-kita mo ‘yung mga karne iginigiling, nasa likuran.

Hindi po totoo ‘yung sinasabi niya na hindi inabutan ‘yung karne ng mga taga-DA dito sa facility ni Alee.”

         Inulit ni Jover, ang layunin niya’y maituwid ang  balita dahil apektado pati ang maliliit na naghahanapbuhay sa kanyang pasilidad.

“Dahil gusto ko pong ituwid ‘yung flash news na balita nila na hindi nila nakita ‘yung karne sa rendering facility sa halip ay idineliber doon sa mga Chinese restaurant, ang totoo po niyan habang ini-interview… ay kitang-kita po ‘yung karne sa likod na ginigiling at nandirito po siya kaya nagulat po ang pamunuan ng Alee Rendering bakit po mali ‘yung balita, baliktad po yata ‘yung balita.

“Nariyan po ‘yung mga taga-Department of Agriculture, Customs, BAI saka Coast Guard, dapat po ay in-interview niya kung sino ang mga team leader no’n para maipaliwanag sa kanya, at dapat po ay in-interview na rin ‘yung may-ari ng facility kaya lang e doon sa news kasi hindi raw nagpakita ang may-ari ng Alee Rendering samantalang ako po ang nag-a-assist sa kanya kagabi rito at ipinapatay ko pa ‘yung makina para malinaw po kung ano ang sinasabi niya bago niya iere, kapag ini-ere na kawawa naman ‘yung kompanya, maraming naghahanapbuhay na umaasa dito, e dahil lang sa maling balita e kawawa naman ‘yung mga naghahanapbuhay dito,” pagwawakas ni Jover.  (MICKA BAUTISTA)    

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …