Monday , December 23 2024
Showtime GMA 7

It’s Showtime mapapanood na sa GMA simula Abril 6; Vice Ganda itinuring na historic at mothering ang pagsasanib-puwersa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Vice Ganda sa mainit na pagtanggap sa kanila ng Kapuso. Maituturing namang historical moment ni Vhong Navarro ang naganap na contract signing para sa sanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA para sa pagpapalabas ng It’s Showtime.

Kahapon, Marso 20 ay tinuldukan na ng Kapamilya at Kapuso ang network war sa isagawang contract signing para sa pagpapalabas ng It’s Showtime sa GMA sa Abril 6. 

Ani Vice, “Maraming maraming salamat sa GMA dahil grabe ‘yung pagtanggap n’yo talaga sa amin lagi. Kami po sa ABS-CBN na nakararanas ng ganyang pagtrato at pagtingin mula sa inyo, lagi po naming napag-uusapan at hindi nawawala ‘yung laging nabibitawan na ‘Infairness, ang babait ng mga taga-GMA.’”

“Maraming maraming salamat. Hinding-hindi po namin ‘yan makakalimutan pati na rin ng lahat ng mga Kapamilya sa buong mundo. Alam po nila kung ano ang pagmamahal at pagtulong na ibinigay ninyo sa amin.

“At hindi lang ninyo kami tinutulungan na unti-unting makatayo, pinagbuksan n’yo po kami ng tahanan para roon muling magpalakas, magpagaling, magpahilom, at makatindig ulit kapiling kayo. Hindi tumindig mag-isa kundi kasama kayo. Maraming maraming salamat po,” sunod-sunod na wika ni Vice Ganda.

“This is just so historic, so iconic. This is mothering. ‘Di ba? Iba eh. Kasi who would have thought na mangyayari ito na magsasanib-puwersa talaga ang ABS-CBN at GMA?” dagdap pa ni Vice.

“Parang noong pinapasok tayo sa GTV, parang, ay nabuksan ‘yung bakuran. Pero noong GMA na, ay talagang binuksan na nila ‘yung pinto. Isinama tayo hanggang sa sala. Ang sarap sarap lang [sa pakiramdam].

Sinabi naman ni Vhong na hinding-hindi niya makalilimutan ang araw na ito, March 20, na maituturing na historical moment para sa madlang pipol at sa mga Kapuso viewer.

Kahapon ginanap ang It’s Showtime sa GMA Contract Signing sa Studio 7 ng GMA na  nagkita-kita ang mga big boss ng dalawang giant network.

 Bukod kina Vice at Vhong, present din sa naganap na historical contract signing ang iba pang hosts ng show tulad nina Anne Curtis, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, atDarren.

Present din sina GMA Chairman Atty. Felipe L. Gozon, President and Chief Executive Officer Gilberto R. Duavit Jr., Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe S. Yalong, and Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President at ang CEO ng GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes.

Naroroon din sina ABS-CBN Chairman Mark L. Lopez, President and Chief Executive Officer Karlo L. Katigbak, Chief Operating Officer Ma. Socorro V. Vidanes, at Group Chief Financial Officer Ricardo B. Tan Jr..

Sinasabing napakainit ng naging pagtanggap ng mga Kapuso executive at staff ng GMA Network sa mga taga-It’s Showtime at mga big boss ng ABS-CBN matapos ang naganap na motorcade na nanggaling sa ABS-CBN compound patungo Kapuso Network.

Sa Abril 6, 2024 simulang mapapanood ang It’s Showtime sa GMA. Hindi pa lang matiyak kung sino-sinong artista mula GMA ang makakasama sa naturang noontime show.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …