Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Soltera natakot na buntis, nagbitay

CEBU CITY – Dahil sa takot na siya’y buntis, nagbigti ang 33-anyos babae na taga-Sitio Sumaria, Brgy. Madre dejos, Alegria, Cebu.

Ang biktima ay kinilalang si Josephine Lubrino, walang asawa at nakatira sa naturang lugar.

Ayon kay SPO1 Renato Abillar, Jr., ng Alegria Police Station, ang biktima ay naiwang mag-isa sa kanilang bahay at sa pagdating ng ama, nakita na lamang ang kanyang anak na nakabitin gamit ang lubid na itinali sa beam ng kanilang bahay.

Sa imbestigasyon ng pu-lisya, napag-alaman na ang biktima ay palaging tulala at nalulungkot dahil tatlong buwan na siyang hindi dinaratnan ng kanyang menstrual period at natatakot na baka siya’y buntis nang walang ama.

Nanghihinayang naman ang ama ng biktima na hindi nabigyan ng payo ang anak nang sa gayon ay hindi sana humantong sa pagkitil sa sariling buhay.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …