Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sean de Guzman deadma inisnab mediacon ng Mapanukso

MARAMI ang nadesmaya sa hindi pagdating ni Sean de Guzman sa media conference ng bagong handog ng Vivamax, ang Mapanukso na nagtatampok din kina Ataska, Tiffany Grey, Rica Gonzales, Itan Rosales, Marco Gomez, Mon Mendoza, Calvin Reyes, Cath Ventura, at Thia Ledesma. 

Matagal-tagal na rin kasing walang pelikula si Sean na dati rati’y kabi-kabila at madalas na napapanood sa Vivamax. Pero nang mabalitang umalis na ito sa poder ng kanyang manager last year, dumalang ang pelikula at hindi na namin ito napagkikita.

Kaya naman natanong ang direktor ng Mapanukso na si Abdel Langit ukol kay Sean subalit hindi rin nito alam kung nasaan at kung bakit wala ang aktor.

Isang post naman sa kanyang Facebook account ang nakatawag ng aming pansin mula sa prodyuser ng Mapanukso, si Lito de Guzman ng LDG Productions na anito, “ano to Sean de Guzman movie ng mapanukso deadma ka? Ayaw mo mag-promote!”

Sinabi pa ng LDG produ na,”’di naman tama sinunod ko naman ang budget nya diba so dapat cooperate sya dba. Nakalimutan nya yata isa ako sa instrument kaya sya nakapasok sa vivamax.”

Sana nga’y lumabas na si Sean para malaman natin ang kanyang saloobin. Sayang at maganda pa naman itong pelikula nilang Mapanukso na tinatampukan din ng kanyang mga kapatid sa 3:16 Entertainment na ang istorya ay ukol sa isang grupo ng macho dancers na may kanya-kanyang istorya.

Si Sean si Carlo. Matagal nang macho dancer sa club na tinatawag na “The Den”, na mayayamang babae ang mga kliyente. Hindi niya ikinahihiya ang kanyang trabaho pero hindi rin naman niya planong magtagal. Ambisyon niyang maging isang chef at magmigrate sa Canada.  

Si Itan si Angelo, 18, binatang pinasok sa club para maging propsman. Dahil ‘di malayong mas malaki ang kita ng macho dancer, naenganyo na ring magsayaw. Dito niya makikilala si Bianca (Tiffany Grey) at ibabahay siya nito sa isang penthouse kapalit ang sexual favors.

Si Marco si Primo, may kayabangan pero sa totoo ay insecure. Lagi silang may alitan ni Carlo pero sunod-sunuran naman ito sa kanyang sugar mommy, si Tanya (Ataska). Bukod kay Carlo, magiging mainit din ang dugo ni Primo kay Angelo dahil mapapansin niyang nagkaka-interes si Tanya sa binata.

Si Mon si Benjie, ayaw ng commitment. Si Abby (Thia Ledesma), isang sugar baby ng isang congressman ang babae sa buhay niya pero iniiwasang ma-in love dahil hindi siya naniniwalang may patutunguhan ang kanilang relasyon.

Si Calvin si Jason, may asawa’t anak sa probinsiya. Pinalalabas niyang nagtatrabaho siya bilang call center agent. 

Sa kabila ng lahat ng luho at aliw na mararanasan nina Carlo, Angelo, Primo, Benjie, at Jason sa kanilang trabaho, nagbabadya ang matitinding problema dahil na rin sa mga babaeng kinakasama nila. 

Idinirehe ni Abdel Langit (Young Critics Circle and Cinema One Originals awardee) ang  Mapanukso ay available for streaming simula March 15, 2024.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …