Monday , December 23 2024
Lito Lapid

200 pamilyang nasunugan inayudahan ni Sen. Lapid

NAKINABANG ang nasa 200 pamilyang nasunugan kamakailan sa Damka St., Old Sta. Mesa, Maynila sa tulong na ipinagkaloob ni Senador Lito Lapid katuwang ang PAGCOR kahapon ng umaga.

Magiliw at mainit na sinalubong ng mga senior citizens at mga residenteng apektado ng sunog si ‘Supremo’ at ilang cast ng Batang Quiapo, kasama sina Councilor Lou Veloso at Benzon Dalina, alyas Turko.

Sa panig ng PAGCOR, nangako si Eric Balcos, Asst. Vice President for Community Services and Development na handang tumulong ang ahensiya sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.

Sa pamamagitan ni Kapitan Lito Linis, nagpasalamat ang mga benepisaryo na tumanggap ng relief goods at cash mula kay Sen. Lapid.

Naniniwala si Lapid na mahalagang damayan ang ating mga kababayan na nawalan ng kanilang tirahan nang dahil sa sunog.

Aminado si Lapid na maliit man ang kaniyang naibigay ay natitiyak niyang malaking tulong ito sa bawat pamilyang nasunugan.

Dahil dito nananawagan si Lapid sa lahat na mag-ingat sa anumang uri ng sakuna lalo ngayong panahon ng sunog.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …