Friday , January 10 2025

Barangay hall bodega ng paputok ng barangay official sa Ongpin St. (Attention: BFP OIC C/Supt Carlito Romero)

00 Bulabugin JSY

NINERBIYOS na naman pala ang mga residente sa isang barangay d’yan sa Sta. Cruz, Maynila sa Fernandez St.,kanto  Ongpin St.

Doon po ‘yan sa lugar na nasunog ang isang bahay at ikinamatay ng apat katao.

Ang rason daw ng sunog ay dahil sa napabayaang CHARGER ng cellphone. At dahil luma na raw ‘yung bahay kaya mabilis na nilamon ng apoy.

Sonabagan!!!

Pero ayon sa mga natanggap nating INFO, mula sa mga reliable source, madaling nasunog ang nasabing bahay dahil ginagamit pala itong bodega ng mga paputok ng isang barangay chairman.

Ang ipinangangamba ngayon ng mga residente ay ang nakikita nilang pag-iimbak na naman ni Barangay official ng kanyang mga panindang paputok sa 2nd floor ng barangay hall.

Paano kung magkaroon na naman ng SUNOG at sumabog nang sabay-sabay ‘yang mga paputok na ‘yan?

‘E talagang DAMBUHALANG APOY ‘yan kapag nagkataon lalo na kung ‘PAPUTOK’ ang pagmumulan.

Tsk tsk tsk …

BFP OIC Chief Supt. Carlito Romero Sir, mayroon na ba kayong opisyal na ulat sa sunog na naganap sa kanto ng Fernandez at Ongpin streets na ikinamatay ng apat katao nitong nakaraang dalawang linggo?!

Iniinspeksiyon mo na ba ang mga lugar, bodega o tindahan na posibleng gawing imbakan ng paputok d’yan sa AREA OF RESPONSIBILITY mo?!

Aba, ‘e makipag-COORDINATE ka kay Chairwoman NORMA MORALES para matukoy n’yo agad kung saan-saan ang mga imbakan ng paputok d’yan.

Inspeksiyonin mo lahat Gen. ROMERO, kahit barangay hall pa ‘yan. Kailangan siguraduhin mong ligtas ang mga residente at establisyemento d’yan sa area na ‘yan  lalo’t naghahanda na ang mga kababayan natin para sa Holiday season.

Before it’s too late!

TALAMAK NA VOTE BUYING SA NORZAGARAY, BULACAN IKINA-DISQUALIFY NG MAYOR? (E bakit sa Maynila?)

ISANG ‘elected’ mayor sa Bulacan ang ini-disqualify ni Commission on Elections (Comelec)  Chairman SixTONG ‘este’ Sixto Brillantes dahil sa talamak na ‘VOTE BUYING.’

Ang disqualification ni Norzagaray Mayor Alfredo Germar ay base sa desisyon ng Comelec 1st Division na pinangungunahan ni Commissioner Lucenito ‘Sugpo’ Tagle.

He he he … pinatatawa tayo nitong si Commissioner sugpo ‘este’ Tagle.

‘E sa Maynila nga lang grabe ang VOTE BUYING noong nakaraang eleksiyon … P1,500 hanggang P2,000… bakit ‘yan hindi imbestigahan ng Comelec?!

Talaga ‘yang mga ‘kumita’ este komite (3 million division?) d’yan sa Comelec … hehehe …kakatawa talaga kayong magdesisyon.

Hinay-hinay lang, huwag naman kayo masyadong PAHALATA.

Yak yak yak …

ISANG OPISYAL NG MIAA CANNOT BE REACHED KAPAG WEEKENDS!?

USAP-USAPAN sa MIAA ang isang opisyal na cannot be reached & cannot be located kapag weekends kahit daw may emergency situation sa airport.

Inilaan daw kasi no’ng opisyal ang weekends sa kanyang paboritong hobby (bisyo) – ang paglalaro ng MAHJONG at TONG-ITS.

Sa katunayan daw, may isang adjoining room daw sa isang exclusive club house ang opisyal na ginagawang gambling den tuwing weekends.

Talaga naman ha. Imbes mag-ikot-ikot ang nasabing opisyal sa mga terminal ng NAIA para naman makita kung ano ang kalagayan nila ‘e mas pinipili pang magsugal.

Hindi mo pwedeng ikatwiran na bakasyon ang Sabado at Linggo dahil 24/7 ang operation sa NAIA.

Mahiya ka naman Sir. Sinusweldohan ka ba para magsugal lang?

Ipakita mo naman na karapat-dapat ka sa pwestong hawak mo ngayon, hindi ‘yung panay kayo pasarap sa hobby mo.

Nakakahiya naman kayo!

Sabi nga ni PNOY, “saan ba kayo kumukuha ng kapal ng mukha nyo?”

CONGRATULATIONS CAMANAVA PRESS CORPS AND IMMIGRATION PRESS CORPS

BINABATI natin ang bagong mandato na nakamit ng ating mga katoto sa CAMANAVA Press Corps at Immigration Press Corps na kamakailan lang ay nanumpa sa kanilang tungkulin.

Ang CAMANAVA na pinangungunahan ni National Press Club (NPC) Director Arlie Callalo at ang Immigration Press Corps na pinamumunuan naman ni Rey Salao.

Hangad natin ang tagumpay ng dalawang press corps at nawa’y maging matagumpay kayo sa pagsusulong ng mga karapatan ng bawat mamamahayag sa inyong kinatatalagahang beat.

Mabuhay kayo at muli, congratulations!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *