Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Disaster relief program ng SM Group, muling ikinasa

SM Foundation Operation Tulong Expres 1
Operation Tulong Express sa Puerto Princesa, Palawan

NAGHATID ng agarang tulong ang SM Group sa pamamagitan ng programang Operation Tulong Express (OPTE).

Pinangunahan ng SM Supermalls, SM Markets, at ang kanilang social good arm na SM Foundation ang pag kasa ng programa sa iba’t ibang lugar na tinamaan ng kalamidad nitong mga nagdaang buwan.

SM Foundation Operation Tulong Expres 7

Namahagi ang SM Center Angono ng 61 Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa Kalayaan Angono, Rizal noong simula ng taon, habang ang SM City Puerto Princesa ay nagbigay ng mahigit 230 Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa lungsod noong Pebrero 7. Gayundin, naglaan ang SM City Sta. Mesa ng 250 Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa Brgy. 598, Lungsod ng Maynila, noong Pebrero 21. Nagpaabot din ng tulong ang SM City Sucat sa mahigit 230 residente ng Brgy. San Isidro, Parañaque, matapos ang naganap na sunog sa nasabing lugar noong Pebrero 28.

Sa kabila ng malalang baha sa Davao Region, namahagi ang SM Supermalls ng mahigit 3,000 Kalinga Packs sa mga komunidad na naapektohan ng baha sa rehiyon,

Nito lamang Marso 3, nagbigay rin ang SM Group ng Kalinga Packs sa mga biktima ng sunog sa Brgy. Pandan, Lungsod ng Angeles, Pampanga.

SM Foundation Operation Tulong Expres 8

Sa pamamagitan ng programang ito, patuloy na tinataguyod ng SM Foundation ang kanilang pangako na maging katuwang sa pag-unlad ng bansa, sa pamamagitan ng serbisyo publiko lalo na sa panahon ng krisis.

SM Foundation Operation Tulong Expres 2
Nakatanggap ang isang residente sa evacuation center sa Davao ng Kalinga Pack.

SM Foundation Operation Tulong Expres 3
Nagabot ng drinking water at Kalinga Packs ang SM Group sa mga nasalanta ng sunog sa Pampanga.

SM Foundation Operation Tulong Expres 4
Nakiisa ang ilang miyembro ng Philippine Navy sa paghahatid ng Kalinga Packs sa mga nasunugan sa Puerto Princesa City, Palawan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …