Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Murder Dead Police Line

Videographer niratrat sa NLEX

NATAGPUANG duguan sa loob ng kanyang sasakyan ang isang lalaki sa bisinidad ng North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Brgy. Dampol 2nd A, Pulilan, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na ipinadala kay Police Colonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang biktima ay kinilalang si Aris Magayanes y Apostol, 42 taong gulang, may live in partner, videographer at residente ng Brgy., Pag asa, Binangonan Rizal.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang Pulilan MPS ukol sa insidente ng pamamaril sa loob ng NLEX M 45 +500 Southbound Lane sa loob ng Brgy., Dampol 2nd A, Pulilan, Bulacan.

Kaagad nagresponde ang mga awtoridad sa lugar upang alamin ang ulat at batay sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng NLEX Investigator na si Peter Paul Viray na nakatanggap din sila ng tawag sa telepono na nag-uulat ng isang vehicular accident sa tinukoy na lugar.

Pagdating sa pinangyarihan, nadiskubre nila ang isang puting Nissan Terra na may plate number na GAX 2732, na patungo sa timog ng Maynila, na aksidenteng nabangga ang mga bakal na rehas sa gilid ng kalsada.

Sa pagsisiyasat pa ay natuklasan nila ang isang butas ng bala ng baril sa bintana ng driver’s side kung saan nagtamo ng sugat ang biktima mula sa tama nito.

Kaagad namang dinala ang biktima sa Bulacan Medical Center, Malolos Bulacan para malapatan ng lunas habang patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …