Friday , January 10 2025

Ang Jueteng ‘hatag’ ni Tony Bulok santos sa Caloocan at Quezon City hall

0100 Bulabugin JSY
PALIBHASA ‘e beterano nang 137 operator kaya alam na alam na ni Teng-we lord TONY “BULOK” SANTOS kung paano kakamadahin ang areglohan.

Ayon sa ating source, pinakamahina ang tig-P2 milyong HATAG kada buwan na inilalarga ni TONY BULOK SANTOS para sa CALOOCAN at QUEZON CITY HALL (LGU).

Bukod pa ‘yan sa CALOOCAN PNP at QCPD, at mga partikular na protector ni Bulok Santos.

May partikular din daw para sa mga taga-media na ang pagador ay anak ni BOY TANGKAD.

Ang pamosong PAGADOR ng TENG-WE na pinatay sa PING-PING LECHON. Case unsolved…

Ito ngayon, balitang nagkakagulo sa loob ng operasyon ng TENG-WE ni TONY BULOK SANTOS dahil pumutok na ang BUKULAN.

Ang unang nagreklamo ay ang ilang opisyal sa CITY HALL na natuklasang naka-PAYOLA pero walang dumarating na PARATING.

Ano ang ibig sabihin n’yan?

Ano ang ginagawa ng management na sina alyas KAPITAN SERWIN ANDRADA katuwang ang isang DYO-DYO SANTA alyas KAPITAN GALGANHA at protektado ng mga ex-parak na sina KULANDING at KRIS?

Ibig bang sabihin n’yan LISTA nang LISTA lang sila ng pangalan pero wala naman nakararating sa mga PARARATINGAN?

Sa Quezon City area, ganyan din ba ang sistema nina TEPANG, PI-NING at BABY? At nina NESTOR sa NOVA at si MANDO KALBO sa UP?

At ‘yung sinasabing ANAK ni BOY TANGKAD na ang lakas kumobra para sa MEDIA, nakararating kaya?

‘E bakit ang daming nag-iiyakan sa media sa PAMBUBUKOL ng anak ni BOY TANGKAD?

Si NCRPO chief, Gen. Marcelo Garbo, Jr., Sir, nabubukulan din kaya?!

‘E bakit mas malamig pa sa bloke ng yelo ang kanilang ONE-STRIKE POLICY laban sa mga ilegalistang 137?!

Si Quezon City Police District (QCPD) director GEN. RICHARD ALBANO at Northern Police District (NPD) director GEN. JOSE MARIA ALVAREZ, magkano ‘este’ ano kaya ang parating sa kanila?

Hindi kaya sila NABUBUKULAN sa BUHAY na BUHAY na TENG-WE ni TONY BULOK SANTOS?

PNP chief GEN. ALAN PURISIMA Sir, mukhang ‘MALAMBOT’ ang TENG-WE one-strike policy mo?

Ikaw lang ba ang hindi NABUBUKULAN?

Just asking lang po!

PASAY CITY POLICE CHIEF SUPT. RODOLFO LLORCA, ‘DOKTOR’ NA BA?

DAPAT ba talagang maging hepe ng pulisya si Sr/Supt. Rodolfo Llorca?

Hindi natin hinahatulan ang pagkatao ni PNP-Pasay COP KERNEL LLORCA, pero sa ating palagay, ang nararapat na ilagay na hepe ng pulisya sa isang lugar o lungsod na gaya ng Pasay City ay ‘yung kayang ipagsanggalang ang moralidad ng kanilang hanay laban sa mga mapanuksong ‘PAGKAKAWARTAHAN’ mula sa mga illegal.

Malakas ang bulungan sa Pasay City na si KERNEL LLORCA ay ‘nagmamadali’  na raw kaya naman ang mga ka-RUBBING ELBOWS daw niya ngayon ay ‘yung mga RICH & FAMOUS sa kanyang AOR.

Kaya nga raw kapag mayroong RICH & FAMOUS na nagpa-PARTY sa PASAY CITY, asahan ninyong ang mga kakwentohan ni KERNEL LLORCA unang-una na ay si Pasay City Mayor ANTONINO CALIXTO at ang peborit BAGMAN ng PNP-Pasay na si alyas Ka ALAN ASPELETA.

Kaya hindi na nakapagtataka kung kasama si KERNEL LLORCA sa mga binalaan ni NCRPO chief, Gen. Marcelo Garbo, Jr., na mag-ulat nang tama dahil unang-una siya sa listahan ng mga CHIEF OF POLICE (COP) na mayroong “underreported crime incidents.”

Sa madaling salita, ‘DINODOKTOR’ ang crime incidents?!

Akala siguro ni KERNEL LLORCA ‘e hindi mamo-MONITOR ng PNP-NCRPO ang kanyang area of responsibility. Paanong bumaba ng 40 porsiyento ang crime rate sa Pasay mula sa dating 60 percent ‘e araw-araw ang snatching, holdapan, prostitution, drug trafficking, 1602 at patayan d’yan sa Pasay City?

At paano nga talagang mamo-monitor ni KER-NLE LLORCA ang mga nagaganap na krimen sa kanilang AOR kung isang LUGAR o isang ESTABLISYEMENTO lang ang kanyang napupuntahan?!

Tsk tsk tsk …

PNP chief, DIR. GEN. ALAN PURISIMA Sir, sabi ng mga pulis sa Pasay City bakit hindi mo raw ipa-LIFESTYLE CHECK ‘yang si KERNEL LLORCA, baka isang araw ‘e magising na lang kayo, na siya pala ay hindi lang isang POLICE OFFICIAL kundi ala-NAPOLES na sa YAMAN!?

SENATE PRESIDENT FRANKLIN DRILON MERON PA BANG MORAL ASCENDANCY?

MATAPOS manawagan si action star ROBIN PADILLA na magbitiw na si Senate President Franklin Drilon dahil sa kanyang tinanggap na Disbursement Acceleration Program (DAP) fund na P100 milyon matapos mapatalsik si dating Chief Justice Renato Corona.

Nabisto tuloy na meron palang DAP … isa pang uri ng panuhol ala PORK BARREL sa mga masunuring tuta ng Malacañang sa hanay ng mga mambabatas.

Kailangan pa bang magkaroon ng isang malaking rally o malawakang panawagan na DRILON RESIGN para lamang ipamukha sa kanya na ‘NAKAHIHIYA’ ang ginawa nilang pagtanggap ng P50 milyones at siya sa partikular ay  P100 milyones kapalit ng pagpapatalsik kay CORONA?!

Tsk tsk tsk …

Ang NALANTAD na relasyon nilang mag-asawa kay JANET LIM-NAPOLES, hindi ba isang malaking eskandalo ‘yan?!

Anak ng baboy!!!

Hindi lang sila basta magkasama o nagkikita sa PARTY, ang kanyang asawa at si NAPOLES ay magkasama sa mga OUTREACH PROGRAM … kasama ang mga kaibigan nilang PARI.

Ganyan kalalim ag relasyon ni Mrs. Mila Drilon kay Janet Lim Napoles.

Hindi na tayo magtataka kung mayroon pang lumabas na kaugnayan si Senator Drilon sa iba pang may hawak ng ‘LIHIM NG GUADALUPE.’

Para lang ‘yan ‘PANDORA’s  BOX’ na unti-unting naglalabasan ang mga lihim na hindi na kayang pagtakpan.

Senator DRILON lumalalim ang POLITICAL CRISIS sa ating bansa…

Tsk tsk tsk …

SINONG B.I. OFFICIAL ANG KUMITA NG US$30,000?

MAY nasagap akong info na pinag-uusapan daw sa Korean community ang isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na ‘kumita’ sa hinuling Korean fugitive na si KANG SHIN YOUNG!

Ayon sa aking source, binigyan daw ng tumataginting na US$30,000 budget ang nasabing B.I. official sa pagpapahuli at express-deportation sa Korean fugitive!

Si Kang ay hinuli ng mga BI-Intel operatives sa kanyang condominium sa Greenhills dahil sa kasong fraud at estafa sa kanyang kapwa Koreano sa Korea.

Wala naman problema kung pasukahin ng malaking halaga ng salapi si Kang dahil luko-luko naman ang kamoteng ‘yan.

Pero sa panahong ito na pilit ipinatutupad ni Pangulong PNOY ang Daang Matuwid ‘e may nakalulusot pa ring gumagawa ng baluktot sa BI.

Bakit daw minadaling ipa-DEPORT si Kang gayong may pending Motion for Reconsideration sa korte mula sa kanyang abogado?

Unlike sa kaso ng 14 na Taiwanese na nahuli dahil sa Cyber-crime ay isinalya kaagad sa BI Bicutan detention cell.

Pero sa kaso ni Kang ay halata raw na fast-break ang pagpapa-deport!?

Amoy malansang isda ‘di po ba?

Bali-balitang malakas daw kay BI-OIC Fred Mison ang opisyal na kumita ng US$30K? Si Mr. ‘five’ kaya?

DoJ Sec. Leila de Lima, paimbestigahan mo kaya ang kasong ‘yan.

Aabangan po natin ‘yan!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC-LGU, may paaginaldo pa sa QCitizens

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAPOS na ang Pasko…at heto nga Bagong Taon — 2025 na, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *