Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bato dela Rosa Antonio Trillanes.

ICC may basbas daw ni PBBM
TRILLANES GREAT DESTABILIZER — BATO

TRILLANES a great destabilizer.

Ito ang tahasang akusasyon ni Senador Ronlad “Bato” dela Rosa laban kay dating Senador Antonio Trillanes.

Ang reaksyong ito ini dela Rosa ay matapos manindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kamakalawa na hindi niya kinikilala ang sinumang kinatawan ng Internasional Criminal Court (ICC) na magsasagawa ng imbestigasyon sa bansa ukol sa mga naganap na Extra Judicial Killing (EJK) sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay dela Rosa ang pahayag ni Trillanes na nasa bansa na ang mga kinatawan ng ICC at ito ay may basbas ng pamahalaan ay isang malinaw na kasinungalingan.

Isa lang ani ni dela Rosa ang katotohanan at ito ay naisin ini Trillanes na sirain ang relasyon ng mga Marcos at Duterte.

Dahil dito umaasa din si dela Rosa na matitigil na ang mga maritess o mga tsismoso at tsismosa  ng bayan dahil sa naging pahayag ng Pangulo.

Hindi din naitago ni dela Rosa na tanungin si Trillanes kung siya ba ay mayroong appointment bilang spokeperson ng ICC.

Saludo at nagpapasalamat naman si dela Rosa sa naging paninindigan ni Pangulong Marcos ukol sa naturang isyu.  (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …