Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lealtad pahinga ng 30 araw

Narito ang mga kabayo na nabigyan ng kaukulang suspensiyon sa naganap na pakarera nitong Setyembre 28 at 29 taong kasalukuyan. UBOLT, HYENA at MARKEE’S WORLD – suspindido na hindi lalagpas sa pitong araw dahil sa may kahinaan sa pagkain niya at kinakailangan din na magpresenta ng Veterinary Certificate bago makasaling muli sa karera. LEALTAD – pahinga ng 30 araw dahil may 75 metro o higit pa ang distansiya niya sa tersero pagsapit sa meta. RIGHT DIRECTION – suspendido na hindi bababa sa 10 araw dahil sa may kalikutan sa loob ng aparato. Ikalawang pagkakataon na.

ANNA DIVINE – suspendido na hindi bababa sa 10 araw dahil sa may kahirapang kontrolin sa buong distansiya ng laban.  Ikalawang pagkakataon na. ARAZ – suspendido ng 1 buwan dahil sa may nakitang bahid ng dugo sa ilong. Ikalawang pagkakataon na. TRUE TO FORM – suspendido na hindi bababa sa 5 araw dahil sa may kahirapang kontrolin sa buong distansiya ng laban. Unang pagkakataon.

INGETERO – suspendido na hindi lalagpas sa 7 araw dahil may kaunting iniinda sa kanyang paa. WINDBENEATHMYWINGS –suspendido ng 1 buwan dahil sa pamimilay. Ikalawang pagkakataon. NEWSMAKER – pahinga na hindi bababa sa 21 araw dahil sa may naramdamang hindi maganda sa kanyang likurang mga paa. Unang pagkakataon.

MR. BOND – nabigyan ng written warning dahil sa kalikutan sa loob ng aparato. RABBLE ROUSER – nasuspendi ng hindi bababa sa 10 araw dahil sa may nasilayang pagdurugo muna sa kanyang ilong. Unang pagkakataon.

ONEMORESWEETKISS – suspendido na hindi bababa ng 5 araw dahil sa hindi paglabas mula sa aparato sa loob ng unang dalawang segundo pagbukas ng largahan. Unang pagkakataon.

oOo

Naging malapit na naman sa liyamado o paborito ang karamihan ng mga nagwagi sa nakalipas na pakarera sa Metro Turf, kaya marami na tuloy ang mga nakapagsabing BKs na mas madaling mangarera sa nasabing pista.

Ang diskarte naman ng iba ay tamang abang lang at talagang may lumilitaw na tanaw sa bentahan hanggang pagdating sa aktuwal na takbuhan, ikanga ay iyong tinatawag na one-sided o patukan.

Oo nga at mas marami ang tumatamang karerista kapag liyamado, kaya naman ay nawawala na ang excitement para sa lahat dahil hindi balikatan ang labanan.

Ngayong huling kuwarter ng taong kasalukuyan marahil ay napanood na ninyo na mas magaganda at malalaking mga pakarera ang kanilang ihahanda sa ating mga naglilibang, pero bukod sana sa mga patukan ay hindi rin sana mauwi ang resulta na bilang lamang ang tatama sa mga exotic bettings kagaya ng WTA, Pick-6 at kung sakali pati sa Pick-5.

Abangan natin ang mga pakarera sa Metro Turf.

Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …