Thursday , June 4 2026
Sheina Yu Angelo Ilagan Anthony Dabao Nathan Cajucom

Anthony at Nathan no-no sa BL series

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KA-BACK-TO-BACK sa mediacon ng Palipat-Lipat, Papalit-Palit ang umaalagwa na sa streaming na Room Service na nagtatampok naman kina Sheina Yu at Angelo Ilagan.

Forty five minutes lang ang napapanood na sa Vivamax na pelikula ni Bobby Bonifacio, Jr.

At sa nasabing mediacon, nakausap namin ang dalawa pang aktor na isinalang dito.

Tapos na ang presscon nang dumating sila. Parehong galing ng Parañaque. Ipinaikot-ikot daw sila ng Waze sa nasakyan nila.

Just the same nagka-interes kami na kausapin ang dalawang binata. 

Si Anthony Dabao kasi ay apo ni Charlie Davao, at pamangkin nina Bing at Ricky Davao, na anak ni Maymay Davao.

Si Nathan Cajucom naman, iniwan muna ang pag-aaral as ground attendant para sa pagtatrabaho sa isang airline company. Mas pursigido kasi siyang umarte.

Maski anong role ay nagagawa naman nila. Basta huwag lang ang BL. 

Hindi nila kaya. Mas gusto nila na makilala sa kakayahan nila bilang manly actors.

Eh ask kami ng mga kaharap ko, paano kung may challenging offer for a BL project? Na silang dalawa ang magkasama?

Magkakailangan daw sila dahil they have already established a friendship, a bond as brothers.

May nag-sample. Dennis Trillo and Tom Rodriguez na best friends sa isang serye. Kissing scenes and BL. Sa My Husband’s Lover.

Well… 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …