Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tatlong tatay patay (Nalunod, nagbigti, nagbaril)

TATLONG padre de familia ang natagpuang patay sa loob ng kani-kanilang bahay sa magkakahiwalay na insidente kahapon.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Pasig Police kaugnay sa pagkamatay ng isang tatay na nalunod sa isang baldeng tubig sa loob ng kanilang banyo sa Pasig City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Insp. Glenn Magsino,  hepe ng Criminal Investigation Section ng Pasig City Police, ang biktimang si Felipe Narag, 54-anyos, negosyante, residente ng Pag-asa St., Brgy. Caniogan, ng lungsod.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Eastern Police District  Crime laboratory para sa awtopsiya.

Samantala, dahil sa labis na pangungulila sa anak, nagbigti ang isang tatay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Sa kagustuhang iligtas ang buhay ng biktima, agad tinanggal ng kaanak ang  cable wire sa leeg ng biktimang si Ruel Resureccion, 35-anyos, residente ng  #234  Libis Talisay St., Brgy. 12.

Sa ulat ni PO2 Rommel Bautista, dakong 7:10 ng gabi nang matuklasan ang nakabiting katawan ng biktima sa loob ng bahay nito sa  nasabing lugar.

Pinag-aaralan pa ng mga awtoridad ang suicide note na nakita sa likod ng picture frame ng anak nitong babae na sobra umanong na-miss ni Resureccion.

Inaalam  pa rin ng mga awtoridad kung may foul play sa nasabing insidente.

Sa kabilang dako, patay na nang madiskubre ng kanyang mga kasambahay ang isang ama ng tahanan matapos magbaril ng dalawang ulit sa mukha gamit ang de-silencer na baril kamakalawa ng hapon sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City chief of police Supt. Manuel Placido ang biktimang si Remegio Etrata, nasa hustong gulang, residente ng Napolis St., Trails of Maia Alta, Brgy. Dalig ng lungsod.

Sa ulat, alas 2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng bahay  ng biktima matapos pumasok sa banyo para magbawas.

Lingid sa kaalaman ng mga kasambahay, may dalang baril ang biktima at pagdating sa loob ay dalawang beses kina-labit ang gatilyo.

(MIKKOBAYLON/

ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …