Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame

Willie Revillame pinagkakaguluhan pa rin kahit wala ng TV show

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI akalain ni Willie Revillame na kilala at pagkakaguluhan pa rin siya saan man siya mapadpad.

Nangyari ito minsang magtungo siya sa isang high-end department store.

Ayon sa isang malapit sa aktor/host na si Carina Martinez, ikinagulat ni Willie nang isang foreigner ang lumapit sa kanila para magpa-picture sa TV host/singer.

“May Amerikano ang biglang nag-approach sa kanya, sabi, ‘Mr Willie Revillame.’ Sagot naman ni Willie, ‘yes?’ ‘Can I have a picture with you?’ ‘Sure, sure,’ sabi ni Willie.

“Sinabi pa ng Amerikano na madalas siyang nanonood ng show ni Willie.

“Tapos hindi lang ‘yun. Ang dami pang naglapitan sa kanya para magpa-picture na mga namimili sa department store na iyon. Even ‘yung mga salesperson doon.

“May humabol pa ngad na isang mommy kay Willie at mayroon pang isa na hindi na namin napagbigyan kasi nakasakay na kami sa kotse,” pagbabahagi ni Mommy Karen.

Nasundan pa ang insidenteng iyon nang kumain sila sa isang high end restaurant na grupo-grupo at pami-pamilya ang nagpapa-picture at magiliw na nakikipagkuwentuhan kay Willie.

Kaya nasabi raw ni Willie na natutuwa siya na bagama’t hindi na siya aktibo at wala na siyang show sa TV ay kilala pa rin siya.

February 2022 nang iwan ni Willie ang GMA para lumipat sa AllTV. Ito’y sa kabila ng matagumpay niyang show sa Kapuso Network. Lumipat si Willie at dinala ang Wowowin sa AllTV dahil magkaibigan sila ng may-ari nito at negosyanteng si Manny Villar.

Pero February 2023 nang pansamantalang inihinto ng Advance Media Broadcasting System (AMBS)  ang mga programa nila dahil mahina pa ang signal at reach ng television network nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …