Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anjo Yllana Jomari Yllana

Matapos ang 2 taong ‘di pag-uusap
ANJO AT JOMARI NAGKA-AYOS NA 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWANG okey na at nagkabati na ang magkapatid na Anjo at Jomari Yllana na nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan at hindi nag-uusap sa loob ng kulang-kulang na dalawang taon. Nangyari ang pagbabati ng dalawa nitong nagdaang Bagong Taon sa bahay ng isa pa nilang kapatid na si Ryan.

Naibahagi  ni Anjo ang kanilang pagbabati ni Jomari sa media conference ng pelikulang pinagbibidahan at idinirehe ni Janno Gibbs, ang  Itutumba Ka Ng Tatay Ko ng Viva Films na mapapanood na sa mga sinehan sa January 24 kasama si Xia Rigor.

Ako ‘yung unang bumati kay Jomari. Ako unang lumapit sa mag-asawa noong nakita ko sila,” ani Anjo na nagsabi noon na hindi siya ang mauunang makipag-usap kung sakali bilang siya ang kuya.

Ako naman, batian kami. Okay na rin ‘yun para wala nang samaan ng loob. Kumbaga, past is past, lahat ng mga nangyari sa amin para sa akin tapos na ‘yun. Move forward na,” anang aktor. 

“Ang mommy ko sobrang happy. Sabi niya, ‘sobrang saya ko dahil bati na iyong dalawang anak ko.’ Mangiyak-ngiyak nga ‘yung Mommy ko. Sabi niya natutuwa siya na ‘yung panganay at bunso niya nag-uusap na,” pagbabahagi pa ni Anjo.

Sinabi pa ni Anjo na walang sorry na sinabi. “Wala, wala. Pero sa akin okey na rin ‘yun kasi two years din kaming hindi nag-usap and my mom was suffering and deep inside naman, kinalimutan ko na iyon  after three or four months na nangyari iyon.

At saka bilang panganay, kumbaga ako na iyong lumapit. Siguro ‘yung situation calls for it. And ako willing to forget the past na, magka-ayos na.

“Ang hindi ko lang inaasahan ‘yung sinabi ng mommy na sobrang saya niya. Naawa rin ako sa mommy ko dahil hindi ko alam na nagsa-suffer siya ng matagal. All the time kasi hindi naman siya nagsasabi. Wala siyang kinakampihan and yet natsa-suffer siya kaya noong sinabi niya iyon, naawa ako. Akala ko okey lang sa kanya na hindi kami nag-uusap ni Jomari.

“Kaya masaya rin ako na naging okey na kami. Siguro kasi pinagpe-pray din ni mommy na maging okey kami kasi madasalin iyon eh,” sambit pa ni Anjo. 

Umaasa pa si Anjo na mas magiging okey pa sila ni Jomari sa mga susunod nilang pagkikita ni Jomari.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …